Arianne's POV
"Arianne. Wag ka na kayang tumuloy?" hindi malaman ni Marnel kung maiiyak ba sya ngayon o ano. Napa-buntong hininga na lang ako. Buo na talaga ang desisyon ko, aalis ako. At wala ng makakapigil pa saakin dahil sa tingin ko, kailangan ko 'tong gawin. Para sa sarili ko, para tulungan ang sarili kong makaahon sa matinding kalungkutan at pagka-sawi.
"Bakit ba kasi nagpaapekto ka sa lalakeng yun?! Ano?! Upakan na lang kaya namin at ng hindi na maghirap pa ng lalo sa buhay nya?!" hirit pa ni Angel dahilan para mabilis syang hampasin ni Mikay sa balikat. Sinamaan nya lang ito ng tingin pero hindi ito nagpatinag. Tss. Si Mikay pa?
"Sira! May sakit na nga eh, uupakan mo pa. Sana lang talaga sumalangit ka nyan..." kontra pa ni Mikay sakaniya kaya naman napangiwi na lang ako. Heto na, usapang banal na eh pare-pareho lang naman kaming mga dimunyu. Charot!
Bago pa sila mag-talo dahil sa kagandahan ko ay inunahan ko na sila. Baka mamaya eh mauwi lang 'to sa dramahan, ending hindi na ako makaalis.
"Ang o-oa nyo! Babalik naman ako wag nga kayong praning! Magpapakalayo lang kasi aayusin ko ang sarili ko. Kaloka!" reklamo ko pa dahil nai-stress na talaga ako ng bongga. Para naman kasing hindi na ako babalik sa mga reaksiyong pinapakita nila!
"Dito ka na lang kasi! Papakainin ka namin ng marami, promise! Diba ayun naman ang gusto mo? Mas helpful yun sa pagmo-move on, girl!" gatong pa ni Queeny kaya tinaasan ko sya ng kilay.
"Tse! Echusera, eh sa kuripot nyo'ng yan, papakainin nyo pa 'ko?! Eh dos pesos na nga lang na utang pinapabayaran nyo pa! Imbyerna!" pagtataray ko pa, well totoo naman yun. Dos pesos na utang matay pang singilin. Dumadating pa sa punto na binabantaan na buhay mo, bayaran mo lang yung utang mo. Purbida!
"Haay. Kung ganon eh wala na tuloy akong mapagti-tripan dito. Kawawa'ng ako..." umiiling-iling na sambit ni Ashley dahilan para samaan ko sya ng tingin. Pambihira talaga 'tong babae'ng 'to! Aalis na lang at lahat, pant-trip nya pa rin saakin ang iniisip! Sasamain na 'to saakin eh!
"Isa ka pa! Kaltukan kita dyan eh. Pwede ba? Ang o-oa nyo ha. Hindi naman ako forever na mawawala, kasamok. Pag-uuntugin ko na talaga kayo!" singhal ko pa. Para naman kasi akong mamayapa na sa mga pinagsasabi nila.
Mabilis na nawala ang pag-aalala sa mga mukha nila at napalitan ito ng walang emosyong mukha. Parang alam ko na 'to ah.
"Geh. Layas na..." saad ni Mikay dahilan para samaan ko sya ng tingin. Oh ngayon, tinataboy naman ako. Pambihira talaga 'tong mga 'to, hindi ko talaga alam kung paano ko natagalan ang mga lokaret na 'to eh!
Inis akong napa-irap saka nagpakawala ng malalim na buntong hininga.
"Aalis na nga ako. Baka ma-late na ako wa flight ko. Mag-iingat kayo dito ha? Walang lalandi. Baka mamaya eh pagbalik ko dito ninang na pala ako HAHAHA..." biro ko pa dahilan para mabilis na umangat ang mga kamay nila, sa batok ko ito la-landing kaya naman habang maaga pa, umiwas na ako. Mahirap na, anim sila, nag-iisa lang ako.
"Sira ka talaga kahit kailan!" si Dothy na pilit inaabot ang batok ko pero magaling akong umiwas.
"Nagjo-joke lang eh!" sambit ko pa habang pino-protektahan ang maganda kong batok. Akala ko magwawala pa sila at lulumpuhin pa nila ako dito bilang pamamaalam, pero salamat naman at tumigil na sila.
"Sige na. Mag-iingat ka kung saan ka man pupunta...." saad ni Marnel kaya naman tumango ako.
"Mamimiss ka namin day!"
"Ingat doon ha?"
"Kumain ka ng marami para mas lalo kang lumobo. Makakatulong yun sa paglimot..." si Ashley kaya naman sinamaan ko sya ng tingin saka ko sya hinampas ng sling bag ko.
BINABASA MO ANG
Can't Fight This Feeling Anymore
Short Story(SERIES #1) I did it once again. I fell in love...again. But this time, it is with someone unexpected. Unexpected in a way that he is somehow connected to my life, unknowingly. He brought back the colors in my life. He brought back the happiness in...