Gandang-ganda ako ng gumising ako kinabukasan. Nung una nahirapan pa akong idilat yung mata ko kasi puno ng mga luha'ng natuyo sa kakaiyak ko kagabi. Ang hirap idilat kanina. Ang higpit ng kapit eh. Pero buti naidilat ko na ngayon, wag na kayong mag-alala.
Tinatamad pa akong bumangon at feel kong humilata muna dito sa malambot na kama. Maayos naman ang tulog ko at talaga nga namang nakatulog na lang ako kakaiyak kagabi.
Tulala akong naka-bulagta habang nakatingin sa kawalan pero mabilis din akong napabangon agad ng may naalala ako. Mabilis pa sa alas-kwatro kong hinablot ang phone ko na nasa side table lamang.
Baka may message si---ay teka. Anak ka ng kagang, shunga ka Arianne! Shunga!
Nasapo ko na lang ng tuluyan ang noo ko saka nga pigil ang inis na tumingin sa kung saan.
Break na nga pala kami. Wala nang lsm na bubungad saakin pagka-gising ko. At kailangan ko ng sanayin ang sarili ko na wala ng ganon na bubungad saakin sa susunod pa'ng mga araw.
Inis kong sinabunutan ang sarili ko dahil sa kagagahan at katangahang ginawa ko ngayon-ngayon lang. Nakakainis! Naiinis ako sa sarili ko dahil hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako kahit wala na akong pag-asa. Naiinis ako sa sarili ko dahil naghihintay pa rin ako, kahit wala naman akong dapat hintayin pa. Nagagalit ako sa sarili ko dahil gumagawa ako ng mga bagay na ikasasakit ng puso ko.
"Tanga-tanga mo Arianne. Hiwalay na nga kayo, ano ba! Tanggapin mo na, wag kang tanga. Hindi na kayo magkakabalikan. Hindi na sya babalik sayo..." at eto na naman ako, umiiyak na naman na parang timang.
Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa sobrang pagkamuhi na nararamdaman ko para sa sarili ko. Kung meron man sigurong pinaka-tanga, kulang yung salita'ng yun para i-describe ako. Alam mo yun, yung katangahan ko eh nasa dulong degree na. Arghh!
Tapos ngayon, iiyak-iyak ako diba? Sasaktan ko sarili ko tapos iiyak-iyak ako ngayon?! At sinasabi ko pa sa sarili ko na pagod na pagod na akong umiyak pero umiiyak na naman ako dahil gumagawa ako ng ikasasakit ng damdamin ko.
Wala na akong nagawa upang pigilan pa ang pagluha. Umiyak na lang ako ng umiyak dito habang yakap-yakap ko ang malambot ko'ng unan. Nilabas ko ang sakit na nararamdaman ko sa pamamagitan ng pag-iyak.
Paano ba ako makakabangon nito? Kung ganong sarili ko lang rin ang humihila saakin pabalik sa pagiging lugmok? Paano ko ba matutulungan ang sarili ko kung gano'ng sarili ko lang rin ang gumagawa ng mga bagay para mas mahirapan akong mag-move on?
'Ano? Iiyak na lang ako dito, ganon? Giatay, nagbakasyon lang pala ako dito para umiyak. Putik...'
Ayaw ko nang umiyak. Ayaw ko na, gusto ko ng kalimutan 'tong nararamdaman ko para sakaniya. Pero nahihirapan pa ako ngayon. Lalo pa't sa bawat bagay na ginagawa ko ay naalala ko sya. Sa araw-araw ay hinahanap ko pa rin sya, pati yung mga bagay na nakasanayan ko'ng ginagawa nya saakin.
Niyakap ko na lang ng mas mahigpit ang unan ko saka ko nga hinayaan ang sarili ko'ng humagulgol muli.
Pinipiga na naman ang puso ko. Ayaw ko pa ri'ng tanggapin na hiwalay na kami. Nanghihinayang pa rin ako sa thought na hindi na maibabalik yung mga pinagsamahan namin, yung relasyon namin, yung pagmamahalan namin na katulad noon.
Namimiss ko na sya.
Sana bangungot lang 'to. Sana isa lang 'tong panaginip. Sana magising na ako!
Dahil sa pagiging mulala ay mabilis ko nga'ng sinampal ng malakas ang sarili ko para magising na ako sa pag-iisip na baka bangunguot lang ito.
*paaakkk!!!*
BINABASA MO ANG
Can't Fight This Feeling Anymore
Short Story(SERIES #1) I did it once again. I fell in love...again. But this time, it is with someone unexpected. Unexpected in a way that he is somehow connected to my life, unknowingly. He brought back the colors in my life. He brought back the happiness in...