"Oh shit hindi pala naging kayo?" "Gano nga ba ulit kayo katagal?" "Hala akala ko pa naman naging kayo" yeah, lagi kong naririnig yang mga yan sa mga not so close friends ko. Natatawa or minsan naiinis din ako lalo na pag nababanggit pa yan sakin para bang nang-iinis talaga sila or what. Pero pano nga kaya kung niligawan niya ko at naging kami? Masaya kaya ako? Tatagal kaya kami?
Ako nga pala si Aira, 2nd year college ng LPU Manila. Madaming nagsasabe na maganda ako at matalino pero kulang sa timbang, oo my fellow readers payat ako as in payat pero ayos lang bawi naman sa muka eh sabi nga nila "The best accessory a girl can own is CONFIDENCE". Etong story na mababasa niyo ay nangyare noong 4th year highschool palang ako, medyo may katagalan na pero hanggang ngayon di pa din nawawala sa isip ko. Isa nga ata ako sa mga tangang tao na naniwalang may forever...