Tulad nung sinabi ko bumalik yung dating closeness namin ni Paulo. Kung hindi ako nagkakamali naging mag M.U ulit kami super sweet nga eh kulang nalang langgamin kame, pero never kami nag kiss sa lips. (promise) hanggang pisnge lang kasi hindi pa naman kami.
Nagkakasundo kami sa lahat kahit na minsan naiinis siya sa katamaran ko pero di siya nagagalit sakin. Tumagal din kami sa ganong sitwasyon pero ako na yung nagtataka kung bakit hindi pa din niya ko nililigawan. Kaya kahit nakakahiya eh nilakasan ko na lang loob ko para tanungin siya.
Convo
Aira: Paulo, may tatanong ako.
Paulo: Ano yun?
Aira: Sa personal na mahirap pag sa text eh.
Paulo: Ngayon na magagalit ako.
Aira: Osige. Uhh ano ba talaga tayo?
Paulo: Ano ba sa tingin mo?
Aira: Uhm MU?
Paulo: Ha? Anong MU? Bakit landian na pala sayo to?
-End of Convo-
Gusto kong ibaon sarili ko sa lupa nung mga oras na yun! Bakit ko pa kasi tinanong! Ibig sabihin yung mga lambingan namin wala lang yon? Kaya naman pala di ako nililigawan kasi WALA TALAGANG PLANO MANG LIGAW. Hindi ko na siya nireplyan nun ako nadin yung kusang lumayo sa kanya tulad ng ine-expect ko wala siyang pakielam parang okay nga lang sakanya na di ko na siya kinakausap.
Simula non tinatak ko na sa isip ko na WALANG FOREVER! Lahat ng lalake pare-parehas lang yan, hindi dahil sa lahat sila na-try ko na pero dahil pare-parehas lang silang lalake. Sa umpisa lang naman sila magaling eh una concern, ipapakita kung gano ka kaimportante tapos kung ano ano pang effort gagawin sayo pero pag dumating yung time na nakahanap yan ng mas better sayo iiwan ka din niyan.