Isang simpleng lunch naka tambay kami nila Rose, Jenny and Paulo sa AOR. (Area of Responsibility) May binulong sakin si Paulo, bulong na nakapag pa-tigil ng pagkain ko pati na din ata ng paghinga atchaka puso ko. HAHAHAH
"Paulo: Pano kung ligawan kita? May pag-asa ba?"
Gusto ko magsisisigaw chaka mag wala nun. Sino ba namang babae ang hindi kikiligin kung tanungin kayo ng crush niyo ng ganon?! Pero dahil ayoko naman magpahalata na gustong gusto ko siya, nilayo ko ng konti yung tenga ko at sinabing..
"Bakit kaya mo bang i-handle yung katulad ko?"
Napangiti siya, ngiti na alam kong may ibig sabihin. Hindi ko nalang pinansin yun at pinagpatuloy yung pag kain ko. Nag tuloy-tuloy yung ganong ligawan stage namin naalis kami tapos napakilala niya nako sa mama and papa niya, pero parang may kulang. Hindi ko masabi kung ano pero para bang may mali sa nangyayare..
Isang araw dumating na yung araw na kinatatakutan ko tinanong niya ulit ako kung kelan ba magiging kame, nasa dugo ko na ata ang pagiging tanga at kung may anong sumapi sakin nung araw na yun. Pabalik na ko ng pila dahil tapos na ang lunch nang bigla niya kong hilahin at kausapin.
Convo
Paulo: Baby *sabay ngiti*
Aira: Oh? Ha Baby ka diyan? Mamaya na tayo mag usap, papagalitan ako ng adviser ko time na.
Paulo: Wait lang gusto ko lang naman itanong kung kelan magiging tayo? *sabay ngiti ulit pero this time may halong hiya and kaba sa ngiti niya*
Aira: Pag tumaba na ko!
Paulo: Ha? Eh di naman mangyayare yun eh?
Aira: Exactly. *kindat tapos walk-out*
-End of Convo-
Ang tanga ko diba? Sobrang tanga ko! Yung lalakeng matagal ko ng gusto, yung lalakeng gabi-gabi kong pinagdadasal kay Lord na sana ligawan ako, yung lalakeng nag tiyaga manligaw sakin kahit loka-loka ko ayun iniwan ko.. Iniwan kong naka tulala, bakit ko ba sinabi yon? Bakit sa lahat ng araw at tao na masasabihan ko ng ganon siya pa.. Kung pwede lang sana bumalik sa nakaraan para maayos ko lahat ng pagkakamali ko, gagawin ko..