New Year

5 0 0
                                    

Kahit masakit pinilit ko na naman makalimot ano pa bang magagawa ko? Babae lang ako I'm sure makakarelate naman kayo. Nag celebrate ako ng Christmas and New Year ng hindi gaanong masaya, kayo ba mangyare sainyo yun magagawa niyo pang mag celebrate? So ayun nga andami kong naririnig about Steph and Paulo na nagliligawan na sila.. *iyak* Pero may isang balita na naka kuha ng atensyon ko..

"Binusted daw ni Steph si Paulo" Omg! totoo ba to? HAHAHAH nabuhayan ulit ako ng loob siguro nga baka para sakin talaga si Paulo kay kahit nag muka na kong oportunista, inipon ko lahat ng lakas ng loob ko para tanungin si Paulo. 

Convo

Aira: Paulo?

Paulo: Oh?

Aira: Kamusta? Tagal din nating di nagka text ah.

Paulo: Oo nga eh.

Aira: Kamusta lovelife? Balita ko kayo na daw ni Steph? *kunware di ko alam para di magmukang stalker*

Paulo: Hindi ah, pinaasa lang naman ako nun eh.

Aira: Aw, wala ka ng balak balikan?

Paulo: Hindi na sinaktan nako tapos babalikan ko pa?

Aira: Ahh okay.

-End of Convo-

Binalita din sakin ni Jenny na naging bitter daw masyado si Stephany, isang beses daw uminom sila nung mga kaibigan nila at nag iiiyak sa seaside.

"Tang*** ka Paulo manloloko ka, ayoko na!!" Paulit ulit daw yan binabanggit ni Stephany nung lasing siya 

Dinedma ko nalang yun medyo nagkaroon din kami ng maliit na di pagkakaintindihan ni Steph dahil after nila mawalan ng something ni Paulo, bumalik yung dati naming pagkakaibigan. Nakakapag usap na ulit kami sa phone pati personal para bang walang nangyare...

Eto na yung hinihiling kong pangalawang pagkakataon.. Promise di ko sasayangin to.. New year para mag simula ulit ng panibago...

Walang Forever </3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon