Siguro nga..

16 0 0
                                    

Nung araw ding yun kinalimutan ko yung katangahan ko, ang pinilit kong ipasok sa isip ko..

"Mahal ako nun niligawan nga ako eh, I'm sure tatanungin ako ulit non. Pag dumating yung time na yun hindi nako tatanggi papayag na ko, promise."

Pero mali ako dumaan yung mga araw, umabot na nga ata halos ng buwan wala naging cold siya. Pag nagkikita kami sa school titignan niya lang ako sa mata tapos iiwas na. Gustong gusto ko siya lapitan para kausapin gusto kong sabihin sakanya na..

"Wag mo na ko iwasan please nasasaktan ako, tanungin mo lang ulit ako promise di na ko tatanggi. Maging girlfriend mo lang ako di kita sasaktan, di kita pag papalit mamahalin kita forever"

Pero wala akong lakas ng loob para gawin yun sino ba naman ako para mag expect pa sakanya kung sa una pa lang ako na yung bumitaw at sinaktan siya. Lagi kong kinakausap sila Jenny at Rose kung ano ba dapat kong gawin pero miski sila hindi nila alam. Nagtetext din ako sakanya para kamustahin siya, umaasa na mababalik ko pa yung dating kami. Kahit yung pagkakaibigan na lang yung ibalik, kahit wag na yung ligawan. Ayos na ko dun tutal kaya ko naman siya mahalin ng patago sa umpisa palang naman ginagawa ko na sakanya yun eh. Pero wala ayaw niya na talaga ko kausapin, lahat ng klase ng pag iwas gianawa niya na.

Siguro nga.. Siguro nga hindi lahat nabibigyan ng second chance, kung pinahalagahan ko lang sana siya sana wala akong pinagsisisihan ngayon...

Walang Forever </3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon