"Oh my gosh Aira namiss kita!" "Ang payat mo pa din" "Girl ano balita kamusta bakasyon?" HAHAHAH ramdam na ramdam ang first day sa BEA (Blessed Elena Academy), ang dami ding naka miss sakin infairness. As usual kanya kanyang pakilala sa bawat subject, pasa ng 1/4th na may nakalagay ng bagay about sayo or kung hindi naman eh mga expectations mo sa teacher or subject na yun.
Ako kasi yung tipo ng babae na tamad, masipag ako pumasok kasi sayang baon alam ko madaming nakakarelate dito. Hinihintay ko lang naman mag recess, lunch and uwian para makasama ko yung dalawang babaeng kasama sa mga pinaka importanteng tao sa buhay ko, si Jenny and Rose sila yung partners in crime ko. Lahat alam nila sakin at hanggang ngayon bestfriends pa din kami almost 6 years na nga eh.
Naging masaya naman yung kalahati ng highschool life ko hindi ko nga lang alam kung anong nangyare dun sa isang kalahati. Parang tadhana na talaga yung nagsabi na gagraduate kang malungkot Aira, kahit anong gawin mo magiging malungkot ka sa graduation mo!