Chapter 19

358 23 4
                                    

Chapter 19

"Nara, open the door, please! Talk to me!"

Hindi ko pinansin ang malakas na pagkatok at pagsigaw ni Riley sa pintuan ko at nanatili lang na nakaupo sa kama habang nakatitig sa mga kamay ko. She's been knocking at my door for like 20 minutes at kahit na hindi ko siya pinagbubuksan ay hindi parin siya umaalis.

It's been two days since I found out the truth behind my accident. It's been hell for me after that. Matapos nang naging paghaharap namin nila mommy ay hindi ko na sila muling kinausap pa. I locked myself in my room after that. I refused to eat the food they bring nor open the door for them. I shut them down, completely.

Napahinga ako ng malalim. Naramdaman ko ang muling pagtulo ng mga luha ko. Gusto kong matawa sa sarili ko pero hindi ko magawa. Sa loob ng dalawang araw ay walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko. Walang tigil sa paninikip ang dibdib ko. I rarely sleep, and when I do, I still cry. Kahit sa pagtulog ay dala dala ko parin ang sakit. The nightmares keep on chasing me and it's driving me crazy. Pakiramdam ko ay malapit na akong mabaliw. The pain is constantly eating me and it's killing me slowly. Slowly that I will just beg to die.

Sinubukan kong punasan ang mga luha sa mata ko pero nang gawin ko yun ay agad din itong nasundan ng panibago. Niyakap ko ang magkabilang tuhod ko at doon ipinatong ang noo ko. Tahimik akong umiyak. Hinayaan ko lang na magsunod-sunod sa pagtulo ang mga luha ko habang nanginginig ang buong katawan ko.

It hurts. It fucking hurts. I feel like dying. I just want to die. Please.

Sa tuwing bumabalik sa alaala ko ang araw na 'yon, para akong sinasaksak ng paulit-ulit. Pakiramdam ko ay unti-unti akong pinapatay ng sakit. Nilalamon ako ng konsensya at galit ko para sa sarili ko. It's fucking unbearable.

How can I be so fucking shameless? Paano ko naisip na maging masaya sa piling ng taong mahal ko? I don't deserve Clove. I don't have the right to be with him. I don't fucking deserve him. Hindi pa sapat ang mga paghihirap na dinadanas ko ngayon sa idinulot kong sakit sa kanya. The pain that I am feeling right now is not fucking enough to reduce the pain he felt back then. It is not enough. It will never be enough.

Napatigil ako sa paghikbi nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko. Nag-angat ako ng tingin at mabilis na pinunasan ang mga luha ko. Nang lumingon ako ay nakita ko si Riley na nakatingin lang sa akin habang hawak hawak ang susi sa kamay niya. Kitang kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya pero hindi ko 'yon pinagtuunan ng pansin.

"What are y-you doing h-here?" Nauutal na tanong ko sa kanya. Huminga ako ng malalim at umayos ng upo.

She sighed. "Denver is downstairs right now. Fix yourself and talk to him because he's waiting for you. Make it quick."

Hindi na ako nakasagot pa dahil mabilis niya akong tinalikuran at lumabas ng kwarto ko. Napatanga ako. Ilang segundo akong nakatitig lang sa tinayuan ni Riley kanina bago ako nakakilos. I washed my face and applied concealer under my eyes. Naglagay rin ako ng pulbos upang hindi masyadong mahalata ang pamumugto ng mga mata ko.

Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kwarto ko. Nang makababa ako sa salas ay nakita kong mabilis napatayo si Denver nang makita ako. He walked towards me. Hindi niya ako hinayaan pa na magsalita at basta nalang akong hinawakan sa braso at hinila palabas ng bahay.

"Where are we going?" Tanong ko sa kanya nang makasakay kami sa kotse niya.

"Let's talk." That's all he said before he drove away.

I thought we're going far but after a couple of minutes, he stopped the car in front of the park inside our village. Nauna siyang bumaba sa kotse niya kaya naman sumunod ako at sinundan siya.

Deal with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon