Story of the Year =P

216 4 34
                                    

Chapter 3

“First girlfriend ko si Kathy, hindi ko naman siya crush nuon eh. Ewan ko ba, naimmune lang ata ako sa pagmumukha niya.

Kaeskwela ko kasi siya mula grade one hanggang fourth year high school. Tapos ayun akala ko gusto ko na siya, pero sulit ang maling akala eh.

Ang ganda ni Kathy noong magdalaga, malayong malayo sa pagiging uhugin nya noong elementary kame. Lumaban pa nga siyang Campus Muse noong 2nd year na kame eh,

yun nga lang natalo. Anak ng principal kasi ang kalaban, naka-retainer pa. Syempre halos magrebolusyon ang mga campus headaches, mga repeater na admirers niya.

So bilang simpatya siguro, araw-araw may natatanggap na loveletters si Kathy. Ako naman? Deaththreat na pasimpleng isinusuksok sa bulsa ng bag ko.”

"Hayop ka, boyfriend ka ba ni Kathy. Layuan mo siya kung ayaw mo'ng manghiram ng mukha sa aso"

“Yan ang madalas na laman ng death threat, na hindi ko naman pinansin noong una. Ang tapang ko kaya, hindi ko madama ang kaba. Isa pa sinong mag-aakala na tototohanin ng mga kumag ang banta.

Isang hapong awasan, dahil magkapitbahay din kame ni Kathy. Sabay kameng nauwe, palabas na sana kame ng gate ng iskul ng bigla na lang may lumipad na sipa sa aking pagmumukha. Totoo pala 'yung kasabihan na kapag malapit ka ng mamatay, nagislow-mo ang lahat. Nabasa ko pa kasi ang tatak ng sapatos, bago tuluyang lumapat sa aking mukha. At dahil nga slow-mo ang pangyayare,sigurado akong hindi si Bruce Lee ang tumadyak sa'ken.

Sa liit nyang 'yun, nakakabilib na umabot sa nguso ko ang roundhouse kick nyang pinakawalan. Noong intrams ko na lang nasulit ang aking kuryusidad, varsity pala ng sepak takraw ang walangya.

Kay Kathy ko unang natutunan ang pagpapahalaga sa isang gamit. Noong namantsahan kasi ng tumulong dugo ang suot ko'ng polo, sinabihan niya ako na pagkahubad daw ay labhan ko kagad. Nakakakilig lang kasi habang sinasabi niya sa'ken 'yun eh ramdam na ramdam ko ang pagiging concern nya sa'ken. Sa katunayan sinapak pa nya ako nung sabihin kong wag na't itatapon ko na lamang. Matatanggal pa naman daw, ibabad lang daw kagad sa klorox.

Akala ko laging ganun na lang ang papel ko sa buhay ni Kathy. Taga-salo ng sipa at suntok ng nagmemeno-pause nyang admirers, pero nabago ang lahat nung mag-JS kame. Kung nalaman ko lang na sa araw ng JS papanig ang swerte sa'ken, malamang nagpa-JS na'ko kahit hindi pa February.

Nakainom ako noon eh, loko kasi mga kaklase ko may dalang alak na nilipat sa bote ng C2. Hindi ko alam kung ano talagang mga nangyari nung gabi ng JS Prom, natatandaan ko lang last dance ko si Kathy. Tapos eto paggising ko may syota na ako, may hang-over din.”

"Teka nakikinig ka ba?" putol ko sa pagkwekwento ng mapansin ko'ng parang hindi naman interesado ang kausap ko sa mga pinagsasabi ko.

“Tignan mo tong kausap ko, pinagkwento ako tapos tutulugan lang pala ako. Makauwi na nga lang. Nawalan na rin ako ng ganang magpakamatay.”

“Zzzzzz” sagot ng nasa kabilang linya.

---------------------------------------------x

Authors' Note:

This was thirdy's part :)

My Guardian Angel(Devil) - Epic Fail Suicidal AttemptWhere stories live. Discover now