Na-Indian :((

137 5 11
                                    

Chapter 6

Kring Kring!! Kring Kring!!

“Hello”

“He-he-hello, ba-ba-baket hindi ka nagpunta?” pahikbi kong sagot.

Alas diyes na ng gabi at nasa labas na ko ng SM Mall of Asia. Nagsasara na kasi ito. Inabot na ko ng ganitong oras kahihintay sa lalaking inaasahan ko. Ngunit hindi sya nagpunta. Hindi ko matanggap na wala na talaga akong kwentang tao at wala ng nagpapahalaga sa akin.

Kanina pa ako nakatingin sa kawalan. Sa harap ng tahimik na dagat ng Manila Bay, napakasarap ng halik ng hangin sa aking basang pisngi. Ang mga alon ay para bang nang-aakit at inaaya akong sya ay maramdaman.

Tatalon na ba ako?

“Sino ba to?” yamot na sagot ng lalaking halatang bagong gising lamang.

“Ma-ma-mahirap bang sundin ang huling ka-ka-kahilingan ng isang taong ma-ma-mamamatay na? A-a-ang kumain ng Tokyo-Tokyo Chiken Karaage bago sya tuluyang ma-ma-malunod sa mapang-akit na da-da-dagat.”

“Ano? Huwag mo nga ko goodtime-in!”

“Ba-ba-baket hindi ka nagpu-pu-punta? Ba-ba-baket? Hi-hi-hindi ba talaga ako ganun kahalaga ha? Ta-ta-tanggapin ko na lang ang alok ng dagat na habang-buhay na ka-ka-katahimikan. Pa-pa-paalam…”

“Teka, sino ba naman kasi nagsabing magintay ka? Hindi naman ako nangakong pupunta ako kaya huwag ka ng magdrama dyan! Huwag mo ko pa-guilti-hin!”

Hindi ko na sya nagawang sagutin, alam ko namang mali ang umasa. Malungkot lang talaga ang mag-isa. Tatalon na ako. Isa… Dalawa… Tatlo…

“Hoy babae sumagot ka! Tumalon ka na ba? Huwag ka muna tatalon! So-sorry na.”

Tama ba ang narinig ko? Nag-sorry sya?

“Sorry na please. Taga-Batangas po kasi ako, at hindi malapit ang MOA sa lugar ko kaya imposible ang hiningi mo sa aking pabor kanina. Hindi mo naman ako hinayaan magpaliwanag eh, binaba mo agad ang telepono.”

“Haha…” sabay tawa ko ng malakas. “Eh di naisahan din kita. Nakabawi rin ako sa pang-i-indian mo sa akin. Napag-alala kita noh? Haha”

“Anak ng…niloloko mo lang ba ako?”

“Teka wag ka muna magalit. Hindi kita ginud-time. Nalulungkot talaga ako sa hindi mo pagsipot pero kasi kahit magmuk-mok ako dito, hindi naman mababago ang katotohanang, WALANGHIYA ka!”

Pilit ko na lang pinatawa ang aking sarili. Pero sa totoo lang ay nakababad na ang aking paa sa malamig na tubig ng Manila Bay. Konting usad na lang ay katapusan ko na.

“Grabe ka talagang babae ka, pinakaba mo ko dun ah. Pwede maghanap ka na lang ng ibang mapapag-tripan mo.”

“Sino ba naman kasi nagsabing pinagtri-tripan kita? Nalungkot ako na hindi ka nagpunta, excited pa naman ako. Para akong tanga sa loob ng Tokyo-Tokyo, hinihintay ka. Ni wala man lang lumapit sa akin at pumansin. Ultimo mga crew hindi man lang ako tinanong ng order ko. Nagugutom na ko kaso hindi ko magawang kumain ng wala ka pa, wala kasi akong pera. Nakatulog nga ko sa loob. Nagising na lang ako nang nagsasara na sila. Narinig kong ibinababa na nila yung… yung gate ba tawag dun sa bakal na yun? Ewan ko ba. Basta sumigaw na lang ako ng sandali pero di niya ko pinansin. Amp! Kinailangan ko tuloy gumapang sa halos naka sayad na sa sahig na gate nila. Kung hindi ko pa ibinagsak yun isang upuuan sa tabi ko eh hindi pa ko mapapansin.”

“Ganun ba?” narinig kong pag-iiba ng kanyang boses. Halata ang pag-aalala sa boses ng kaninang lalaking nang-gagalaiti ng galit sa akin. “Pasensya na talaga, ba naman kasing napakalayo ng Batangas sa MOA eh.”

My Guardian Angel(Devil) - Epic Fail Suicidal AttemptWhere stories live. Discover now