Ang Katotohanang Pamamaalam

158 9 12
                                    

Chapter 12

Ilang oras na rin ang lumipas ngunit wala paring ni isang doctor ang lumabas mula sa operating room. Nakatulog na rin sa tabi ko si Kathy. Pagod na pagod ito. Baket hindi ko sya nagawang maintindihan noon? Ganito nap ala ang pinagdadaanan nya ngayon. Awang-awa ako sa babaeng mahal ko.

Nasa kasarapan pa ako ng pagtitig sa kanya ng mapansin kong bumukas na ang pinto ng operating room. Maya-may ay may lumabas ng doctor.

“Kathy? Lumabas na si doc.” Pag-gigising ko kay Kathy.

Naalimpungatan pa si Kathy, ngunit ng makita nya ang doctor ay agad itong napabalikwas.

“Doc kamusta po?“ agad nitong tanong.

“Ginawa namin ang lahat ng aming makakaya miss pero…hindi na nya kinaya ang situasyon. Napakarame ng dugong nawala sa kanya. I am sorry but patay na sya.”

Hindi man kaano-ano ay nakita ko ang kalungkutan sa mga mata ni Kathy. Marahil ay dahil sinisisi nya ang sarili sa mga nangyari. Niyakap ko sya upang aluhin. Pero katulad nya ay ewan kung baket nakaramdam din ako ng panghihinayang at lungkot.

“Miss Kathy?“ pagbati mula sa nurse sa kanyang likuran. “Dahil kayo po ang lumalabas na guardian ng biktima, sa inyo ko na rin po papipirmahan ang mga papers na ‘to. Pati po palang itong mga gamet nya ay i-turn over ko na po sa inyo.”

“Ah oo si-sige.”

Matapos i-sign ni Kathy ang mga papeles na nirequire ng ospital na pirmahan nya ay inaya nya akong pumasok sa loob ng kwarto ng biktima. Hindi ko naman ito kakilala kaya hindi na ako sumama sa kanya.

Kring Kring!! Kring Kring!! Tinignan ko ang aking selpown. Muntik ko ng makalimutan ang misteryosang caller ko na ito. Tinatamad na sana akong sagutin ngunit naging mapilit ang bawat pagtunog nito.

Kring Kring!! Kring Kring!!

“Hello?” bungad ko ngunit walang sagot sa kabilang linya.

“Hello? Sumagot ka nga. Wala akong panahon makipagkulitan sayo, pagod ako ngayong araw na to.“

“Hello asan ka?” sagot ng nasa kabilang linya.

“Nasa ospital ako ngayon kaya saka ka na muna tumawag.”

“Sandali. Nasa ospital ka kamo? Nasa ospital din kasi ako eh.“

“Ha? Ano ba wala akong panahon sa mga biro ngayon.“

“Hindi naman ako nagbibiro, nasa ospital din nga ako ng Tanauan.“

“Ano? Sa Tanauan? Walang biro.“

“Wala nga.”

“San ka banda?”

“Nasa likuran mo.“

“Nasa likod ko? Huwag ka nga magbiro sabi eh.“

“Hindi nga ako nagbibiro.“

Pagkakasabi nya nito’y sya naman harap ko sa aking lukuran upang masiguro lang kung nagsasabi sya ng totoo. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.

“Ka-ka-Kathy ikaw?“ pagtataka kong tanong ng makita ko syang may hawak ng selpown na nakatapat sa tenga. Mayayamot ba ako dahil pinagtripan nya ko o hindi dahil baka may dahilan sya kung baket nya to ginawa.

“Hindi ako Ken.“ Sagot nito

“Anong hindi ikaw?“ taka kong tanong.

“Hindi ko cellphone ito, cellphone nya.“ sabay tingin sa pintuan ng emergency room.

“Anong ibig mo sabihin? Niloloko mo ba ako?”

“Hindi Ken.” Sabay abot nya sa akin ng cellphone at iba pang gamit ng biktima. “Ibinigay yan sa akin ng nurse kanina. Alam ko at alam namin lahat dito na walang ni isang laman yang phone, kaya wala nga kame matawagan nung maaksidente sya. Laking taka ko na lang ng buksan ko ito, nakita ko ang dialed numbers nya, iisa lang ang numero. Sinubukan kong tawagan, baka kamag-anak nya ito. Nang sumagot ang nasa kabilang linya, nabosesan ko ito kaya napalabas ako ng operating room at hindi nga ako nagkamali, ikaw nga ang kausap ko mula sa kabilang linya. “

Hindi ako makapaniwala, kalokohan ba ang lahat. ”Paanong ang commatose na yun ang tatawag sa akin. Kanina lang ay kakulitan ko sya sa telepono at sabing pupuntahan ako sa shop. Nung magpapakamatay ako, sya yung babaeng tumawag sa akin at nagligtas… Hindi Kathy, hindi ako naniniwala sa mga multo o angels.”

“Hindi ko maintindihan, paanong kakilala mo sya? O paanong nakakapag-usap kayo, pero kung ayaw mo maniwala, maari mo syang tignan sa loob.”

Hindi ko na naisip sa oras na yun si Kathy at pinasok ang operating room. Nakita ko ang isang katawang nakatakip ng puting kumot. Dahan-dahan ko itong nilapitan. Kabado kong inalis ang nakatakip na kumot. Isang babaeng hindi na halos makilala dahil sa sama ng tama sa kanyang ulo ang aking nakita.

Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. “Totoo bang ikaw yan?” bulong ko sa sarili. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Naalala ko ang hawak kong gamit nya. Binuksan ko ang plastic at nakita ko mula dito ang isang duguang pulang bestida at isang basag na salamin. Lalo akong hindi mapaniwalaan, ngunit malinaw naman ang lahat. Sya nga ang kausap ko sa telepono ng dalawang araw na. Nakaramdam muli ako ng paninikip sa aking dib-dib ng maalala ko ang minsan sinabi nito sa akin...

“Minsan meron isang dapat mamatay para may isang mabuhay.”

-the end-

----------------------------X

Authors Note:

Sorry medyo na delay ang update, naging busy sa pagtulog ngayon araw. antok pa nga ko eh "Yawn"

Pero have you seen this coming...the kakilabot ending?

Anyways, sana nagustuhan nyo story namin ni boss waxxy at nag-enjoy kayo sa pag-basa? Salamat sa pagbasa! Salamat sa pag-aabang! Salamat sa Suporta!

The ending was not really my idea, symepre gusto ko happy ending, nabuhay si mystery caller kaso si boss nasunod eh.

Sana nagustuhan nyo yun twist!

My Guardian Angel(Devil) - Epic Fail Suicidal AttemptWhere stories live. Discover now