Chapter 5
“Anak ng?! Hoy sanda…”
Tuuuuuuuuuuuuuuuuut
Talaga naman binabaan ako ah, anak ng…
Hayop ka sabing sandali!
Nasisiraan ka na'ng babae ka!
Anong Tokyo-Tokyo?
Baliw Baliw!
Mabulok ka paghihintay sa'ken, wala akong balak magpunta!
Ano ka sineswerte?
Wahahaha!
Walang tigil kong kasisigaw sa aking selpown. Bwisit na bwisit sa babaeng di ko naman kilala at ni hindi ko pa nakikita.
Buti na lang wala si inay sa bahay dahil kung hindi baka isipin nun eh nababaliw na ako. Nagsasalita at tumatawa akong mag-isa, habang hawak ang selpown. Salamat na nga lang at bitbit ko ito kahapon, kung hindi malamang pinaglalamayan na ako ngayon. At malamang ilang linggo din akong bida sa umpukan ng mga kapitbahay kong tsismosa.
"Iyang si Ken, aba'y nakow iniwan pala ng nobya kaya nagpakamatay!!"
Nyay! Kapag nagkaganun, siguradong hindi matatahimik ang kaluluwa ko. At siguradong hindi ko din sila papatahimikin!!
Red dress, long wavy hair at eyeglasses?
Hanep pormang principal!
At demanding ha, ano ka prinsesa? Pwes, mahal na prinsesa ako ang hari.
Ako ang boss at papakita ko sayo na ako ang dapat na nasusunod.
Tignan naten kung hindi ka sumuko!
Kring Kring!! Kri--!!
"Ano bwahahaha? Suko ka na! hahaha? Baliw, kung si inay nga hindi ko sinusunod, ikaw pa?"
"Hoy Flores?!"
Patay!
Sa pagmamadali ko'ng sagutin ang telepono hindi ko na natignan kung sino ang caller. Akala ko kasi ang prinsesa na. Hindi ako pwedeng magkamali, si boss lang natawag saken sa apelyedo ko.
"Boss, so-sorry kasi..." nauutal kong sagot
"Anak ng tokwa ka Flores, anong oras na? Papasok ka pa ba, saka anong pinagsasabi mo'ng suko, luko ka ba?!"
Patay ulet!!
Mag-aalas onse na pala, napuyat ako ng napurnadang pagpapakamatay.
"Eh boss a-absent muna ho ako ngayon at masamang pakilasa ko".
Nagdahilan na lang ako.
Totoo namang hindi maganda ang pakiramdam ko eh. Nahihiya ako sobra. Kung pwede lang mag-evaporate, ginawa ko na. Siguro kung hindi ko lang siya katropa, malamang matagal na akong nasisante. Computer technician ako at namamasukan ako sa shop na pagmamay-ari niya.
"Paano 'yung tanggap mo'ng laptop dito, ngayon ang tubos nito di ba?"
"Bukas dude este boss, papasok na ako bukas.”
Pinatay ko na din ang tawag niya, sabihin ko na lang kunyare na-lowbat. Baka kasi tumatawag na ang mahal na prinsesa, mas excited akong madinig ang reaksyon nya sa hindi ko pagsipot.
Grabe mag-iisang oras na pero hindi pa din natawag ang baliw na yun ah. Babalik na lang ako sa pagkakahiga, sa totoo lang antok na antok pa ako. Hindi ako kaagad nakatulog kagabi. Pero sino kaya 'yung misteryosang caller na yun?
YOU ARE READING
My Guardian Angel(Devil) - Epic Fail Suicidal Attempt
Novela Juvenilhi there likers and readers! this is just the teaser of my upcoming romantic comedy series. its a collaboration with a co-frustrated author thirdy ayala. watch out for this novel, you shouldnt fail to read this one :) ------------------- how about t...