si Kathy, si Kathy! Lagi na lang si Kathy! =D

131 7 6
                                    

Chapter 7

Pucha!

Hindi ako makatulog. Grabe naman talaga yung babaeng yun. Pinakanta pa ko hanggang sa malobat na lang itong selpown ko. At tama bang hinihintay ko pa tawag nya hanggang ngayon? Ano ba naman kasing sumpa yung feeling piling mahal na princesa na yun. Baka kasi naman nagpakamatay na yun. Magui-guilty ba ako kapag nangyari yun? Pero sana huwag naman nyang gawin yun.

Pero. Tama ba yung kinanta ko? Nobela? Anak ng… si Kathy nanaman ang naiisip ko ngayon oh. Asan na ba ko kanina bago ko makatulog sa pagmumuni-muni ng nakaraan naman ni Kathy? Ah yung pustahan namin...

"Ano ba Kathy, pano ako magkakasyota niyan kung lagi kang nakadikit saken?" breaktime nun at nakakuyabit pa saken na nag-aaya sa canteen.

"Hoy kentot masyadong malaki ang isasakripisyo ko pag natalo ako sa pustahan, kaya normal lang naman na gumawa ako ng paraan para wag matalo di ba?"

Ewan ko ba kung bakit naisipan ng hitad na yun na dugtungan ng tot ang pangalan ko, ang sagwa na tuloy pakinggan. Ang dame niyang mga pausong alyas, pati ang napapanot pa lang na titser namin sa mathematics ay tinawag nyang kalbo. Kay inay ay mamita at saken nga ay kentot, ang sagwa talaga!

"Eh paano nga ako sasagutin ng mga liligawan ko kung nakikita tayong gento sira-ulo!"

“Eh di aminin mo na lang na talo ka na, at kalimutan na lang naten ang pustahan."

"Hinding hindi, ihanda mo na ang sarili mo dahil siguradong matatalo ka!" pagtitiyak ko kay Kathy habang pinipindot ng gitnang daliri ko ang kanyang noo.

Naging ganun ang set-up namin araw-araw sa iskul. Kasalo sa recess, kasama sa lahat ng oras na kulang na lang eh pati sa kubeta ay sumama. Baka daw takasan ko siya. At ito pa ang mas malupit, hiniling nya sa titser na ilipat sya ng upuan malapit saken. Ewan ko lang kung anong hokus pokus ang ginawa nya at napapayag nya ang balo naming maestra.

Kasabay sa pagpasok sa umaga, at sa hapong uwian. Palibhasa'y magkapitbahay lang kame at dalawang kanto lang ang pagitan ng mga bahay namin. Laging nakakuyabit ang hitad. Para aninong bubuntot-buntot.

"Anong iniisp mo?" tanong ni Kathy pagkatapos akong gulatin mula sa likod ng inuupuan kong stage. Awasan na nuon at pinapanuod ko ang mga estudyanteng nag-uunahan sa paglabas ng gate. Ayoko kasi ng nakikipagsiksikan. Nakakatanga lang isipin kung bakit ayaw isagad ang pagkakabukas ng gate upang hindi magsiksikan sa paglabas ang mga mag-aaral. Tanging yung maliit na pintuan lang ang pinapadaanan, pero pag may darating namang sasakyan eh nakikita kong binubuksan ng guard, hanep!

"Wala naisip ko lang 'yung tungkol sa pustahan naten." sagot ko.

Wala naman talaga akong iniisip eh, kaya iyon na lang ang sinabi ko. Sa totoo lang kasi iniintay ko lang na magluwag sa gate at gusto ko na ding umuwe, manonood pa ako ng ghost fighter.

"Bakit naman?" sagot nya.

"Anong bakit naman, mukhang matatalo nga ako." Sabi ko habang umupo na din siya tabi ko. "Eh matanong ko lang Kathy, wala ka bang nagugustuhan sa mga admirers mo?" pag-iiba ko ng usapan.

"Actually meron akong gustong guy eh, pero i think hindi nya ako gusto." sabi nya na nagpalingon saken at nagkadikit ang aming mga mukha.

Parehas kaming natulala. Akala ko eh itutulak nya ako, pero imbes na magalit, ipinikit nya ang kanyang mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit nya yon ginawa.

At lakas ng tibok ng puso ko habang nakatitig lang sa kanyang mukha. Ngayon ko lang nagawang titigan ng malapitan si Kathy. Madalas kasi tinatakbuhan ko siya pag nasa iskul na kame na kinakayamot nyang palagi. At ang siste, habulan sa campus. Para kaming mga batang nagtatayaan. Walang pakialam sa mga nakakakita.

My Guardian Angel(Devil) - Epic Fail Suicidal AttemptWhere stories live. Discover now