Prologue:
"Nagpapagod? Bakit? Nagsasawa ka na ba? Chad, ano?" I said while wiping my tears.
"No, hindi. Napag-isip-isip ko lang na... hindi talaga siguro tayo para sa isa't-isa. Masyado kang mataas, Steff. Sigurado naman akong makakahanap ka ng mas better saakin. I'm sorry, Steff." Then he left.
I just closed my eyes. And the next thing I knew ay nasa kwarto ko na ako. Hindi ko din alam kung pano. Basta ang alam ko, wala na kami kasi nga hindi daw kami para sa isa't-isa. Bullshit diba?
Nagkulong ako ng bahay ng ilang linggo. Nagmukmok. Hindi ko kasi matanggap eh. Ilang linggo din akong hindi nagparamdam sa mga kaibigan ko. Ilang araw nalang din kasi, anniversary na namin tapos bigla-bigla niya nalang sasabihin na ayaw na niya. Ang sakit. Sobrang sakit. Minahal ko siya ng sobra eh. Sobra pa sa inaakala niya. Kaya lang naisip ko, hindi naman na siya babalik kung magkukulong lang ako dito. At isang buwan nalang din, pasukan na. Kaya nag-enjoy ako. Oo, enjoy dahil kahit sa konting oras na kasama ko ang mga kaibigan ko nakalimutan kong iniwan na ako ng lalaking nagsabing, "Forever na tayo, steff. Forever. I love you forever."