4th quarter, naka boyfriend din ako. Crush ko din siya nung elementary ako. Si Ken. 3 buwan lang kami. Di nagtagal. Di ko din alam kung bakit. Buhay nga naman. Parang life.
4th year naaaaa! Isang taon nalang, college na ako. OMG! :))) Hindi ko na naging classmate si Chad, pero schoolmates pa din kame. Magkaklase naman ulit kaming 4. Sa wakas! Magiging mas okay ang last year ko sa High school.
After 7 months din na pagiging mag boyfriend-girlfriend ni Chad at Ia. Nagbreak sila. Di ko alam kung bakit. Di na din ako nagtanong.
"Okay lang yan Iabells. Lalaki lang yan." sabi ni Nikka habang tinatapik si Ia.
"Oo nga Ia. Move-on na. Sayang ganda eh." sabi ko naman.
"Magc-college naman din tayo. Mas madaming pogi sa University. Ano kaba!" si Clah naman habang nagtetext.
"Awwe! Ang sweet nyo guys. Pero okay na talaga ako. 4 buwan na din ang nakalipas oh. Alam nyo naman ako diba. Hindi nagtatanim ng galit or whatever."
"Taray! Good girl. Sana kunin ka na ni Lord." Pang-aasar ni Clah.
"Baliw! Hahahaha."
Ilang buwan nalang Graduation na. Nagsimula na kaming magpractice para sa Graduation song.
- Habang nasa practice -
*toot toot* Aba! May nagtext at number lang. Sino naman kaya 'to. Binuksan ko yung text.
Unknown number: Hi. :)
Sino kaya 'to. -_- Pero dahil hindi ako manghuhula, nireplyan ko nalang.
Me: Sino po sila?
*toot toot* Ang bilis magreply ah. In fair.
Unknown number: Chad :)))
Ayaw naman ata neto sa smiley noh? Teka! Sino namang chad?
Me: Sinong chad?
*toot toot*
Unknown number: Chad Mendoza. Grabe! Kinakalimutan mo na ako. :(Ang arte naman. Pero kinilig ako. Si chad. Jusme! Nagtext! :"""> Opps! Wait. Akala ko ba di mo na siya crush, steff? Anyare? Eh kaseeeee! :"""""">
"Hoy bruha! Sino yang katext mo ha? Bat ngumi-ngiti ka jan mag-isa?"
"Ha? Eh.. wala. Kumanta ka nalang nga Nikka. Lagot ka kay Sir!"
"Ay baliw. Tumatawa ng walang dahilan."
Kahit kelan talaga 'tong mga kaibigan ko. Mareplyan na nga si Chad.
Me: Ay sorry! Akala ko kasi kung sino. San mo pala nakuha number ko?
Chad: Ah, kay Rodel. Bakit, may gagalit ba?
Me: Ha? Wala. Natanong ko lang. Uy sige, maya na tayo text. Nagppractice kami eh.
Chad: Awww. Sige, maya nalang. Ingat ka. ;)
At dun nagsimula ang pagiging close namin ni Chad.... sa text. Hindi alam ng barkada. Wala pa din akong balak sabihin sakanila. Lalo na kay Ia. Kinakabahan kasi ako eh.
