Steff's POV
"OMG! Ang pogi nung transferee oh. Ano kayang name niya." Sabi ko kay Clarah. May bago kasi kaming classmate. Kaya lang, mukhang suplado.
"Mukha namang suplado eh. Pero kung sabagay, wala ka namang pinapalampas eh. Lahat gagawin mo, mapansin ka lang. Naks!" Pang-aasar niya.
By the way, 2nd year high school na pala kami. First day of school ngayon. Nasa labas kaming dalawa ni Clarah. Inaantay pa yung 2 naming kaibigan. Nang biglang dumating ang isa, si Nikka.
"Woooooh! Puro nanaman kayo harot. First day na first eh."
"Si Steff kasi eh. Hahaha. Hay nako, si Ia din. First day na first day, late nanaman."
"Che! Ewan sainyo. Ay Sus! May bago ba sa pagiging late ni Ia?"
"Ay, ganyan kayo ha. Porket ang aga-aga niyong tatlo. Hmp! Tara na nga, pasok na tayo. Ang init dito eh. Ang init sa Pilipinas!"
Nagpatuloy lang kami sa pagkkwentuhan ng biglang dumating yung teacher namin. Nasa pinakahuling upuan kaming 4 naka-upo. Si Mr. Transferee naman, sa may 2nd row. Pasulyap-sulyap ang trip ko ngayon. Ang gwapo niya talaga. =)))))
Nagsimula ng magdiscuss ang Teacher namin tungkol sa grading system at ng matapos....
"Okay class. Ngayong na-discuss ko na sainyo kung paano nakukuha ang grades nyo. Simulan naman nating kilalanin ang isa't isa."
"Ayan nanaman ang walang kasawaang Introduce yourself. Jusme!" Sabi nung isang kaklase namin. Haha. Oo nga. Lagi nalang. Pero okay lang, at least malalaman ko na pangalan niya. Yey!
Nagsimula na nga ang mahiwagang Introduce yourself. At eto na, siya na. Yohooo!
"Uhm.. My name is Chad Yosef Mendoza."
"O ano teh. Alam mo na buong pangalan niya. Pwede mo na i-LOVERS mga pangalan niyo." Bulong sakin ni Ia.
"Ano ba Ia. Shhh ka lang." Saway ko. Baka kasi may makarinig, asarin pa ako.
Nagpatuloy lang ang Introduce yourself hanggang makarating na samin.
"Good morning. I'm Nikka Denise Tan."
"Hi. My name is Clarah Abigail Belmonte."
"Hi everyone. I'm Steffanie Katrice Castillo."
"Hello! Sophia Andrea Santiago is the name."
Ganon lang ang nangyari sa mga sumunod na subjects. Umay nga eh. Hanggang sa nagbell na. Recess! Yeeeey!
Pumunta na kaming apat sa Cafeteria para kumain.
"Haaaaaaaaay!" Sabi ko sabay lapag ng pagkain diretso upo.
"Nako Steff. Wag mo masyado isipin yun. Baka di ka matunawan jan."
"Pabayaan mo ng mag-emote yang kaibigan natin jan, Ia. Na-love at first sight ata eh."
"Ewwwwwwww! Kadiri naman yang love at first sight Clah. Inaantok lang ako. Ang dami nyong alam."
"Guys, Ewwww daw. Hahahaha. Okay sabi mo eh. Kain nalang nga tayo."
