D

23 3 0
                                    

Tuloy tuloy pa din naman ang pag t-text namin ni Chad.

Dumating ang Graduation day. Tinawag na ang pangalan ko para kunin ang diploma. Dumaan ako sa may tabi niya. Nagulat nalang ako ng biglang may nagflash. Tumingin ako sa may gilid kung saan naka-upo ang section nila. Pinicturan nya pala ako.

"Remembrance lang. Hehe." Sabi niya. Sabay peace sign. Nagsmile nalang ako.

After ng ceremony, picture picture muna with teachers and classmates. Hinahanap ko siya. Nagbabakasakaling makakapagpicture kami together. Pero hindi ko na siya nakita. Umuwi na siguro.

Vacation na. In touch pa din kami ni Chad. Sweet sa isa't-isa. Feeling ko nga kami eh. Pero sabi ko nga, feeling ko lang. Feelingera kasi talaga ako. :/

Normal na araw. Magkatext kami. Pinag-uusapan ang mga bagay-bagay ng biglang...

: Steff, pwede ba kitang ligawan?

Nabigla ako. Binasa ko ng paulit-ulit yung text niya. Baka kasi namamalik-mata lang ako. Pero hindi eh. Totoo! Hindi ako makahinga. Pengeng oxygen, guys! Kinikilig ako ng bongga. Jusko!

: Ha? Ligaw? Sus! Pinagt-tripan mo nanaman ako eh.

: Hindi. Seryoso ako. Pwede ba?

Aayaw pa ba ako? Crush ko ng 2 taon guys. Aayaw pa ba ako?

: Hmmm. Pwede naman. :)

Syempre hindi ko na pinatagal. Sinagot ko na siya after ng 2 linggo. Sabi nga nila diba, relasyon ang pinapatagal hindi panliligaw.

: Babe, pwede ka bang lumabas mamaya? :)

: Pwede naman ata. Bakit?

: Pwede ba tayong lumabas?

Lumabas? Kaming 2 lang? Hala! Pag pumayag ako, 1st date namin 'to. Aarte pa ba ako?

: Sige. :) Anong oras ba?

: Mga 6? Sunduin nalang kita sainyo. Iloveyou! :*

: Sige babe. Iloveyoutoo! :*

* Pagdating ng 6 pm, sinundo niya ako sa may labas namin. Di pa legal eh. *

Sumakay ako sa motor niya. Medyo awkward. Unang labas namin to eh. Hindi ako alam sasabihin ko.

"Uhm. San tayo pupunta?" sabi ko habang nakahawak sa likod ng motor, nahihiya akong humawak sakanya eh.

"Sa park. Kahit saan. Kung saan mo gusto." sabay tingin sakin tapos kindat

Wait. Kinikilig ako. Ang gwapo niya talaga.

*pagdating namin sa park*

Dun kami pumunta sa konti lang yung tao. Kase nga, ex siya ng kaibigan ko at kahit ano pang pagdedeny ang gawin ni Ia, alam kong may nararamdaman pa rin siya para kay Chad. Alam kong mali. Alam kong hindi dapat. Pero wala eh. Mahal ko si Chad. Sana maintindihan ako ni Ia.

forOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon