Naging okay naman ang Sophomore year ko. Yun nga lang, walang improvement pagdating kay Chad. Kahit anong pagpapapansin ko, walang epekto. Jusmiyo marimar! Ako kasi yung babaeng kapag may gusto, ginagawa lahat mapansin lang. KSP ba! Pero hinayaan ko lang siya. May mga times nga lang na naiinggit ako kela Ia kasi kahit papano pinapansin sila ni Chad. Ako kase, once in blue moon lang talaga. Kaya naisipan kong itigil na ang pagpapapansin sakanya. Na-aasar na siguro sakin. Hahaha. Oh well.
Dumating na din yung time na nawala na yung pagka-gusto ko sakanya. Nabaling sa isa kong schoolmate. Isa sa mga manliligaw ko. Kaya nawalan na ako ng pake kay Chad.
Normal naman ang mga nangyari sa Sophomore year. Quiz, Exam, Assignment, Project. Ganon.
At dumating ang Junior Year. Nalaman kong hindi ko na pala classmate si Ia... at classmate niya si Chad. Oh my! Sabi ko dati wala na akong gusto sakanya eh. May natira pa pala.
"Iaaaaaaa! Magkahiwalay na tayong apat. So sad naman!"
"Oo nga Nikka eh. Sayang naman. Buti pa kayong tatlo, magka-klase pa din."
"Okay lang yan! Antayan nalang tayo tuwing uwian. Walang makakapigil. Hahaha."
"Gala ka talaga kahit kelan, Clah!"
"Pano ba yan, Ia. Pasok na kami. Kita nalang tayo maya. Byeeee!"
Normal ang mga sumunod na buwan sa 3rd year ko.... hanggang sa nalaman ko na si Chad at Ia na pala. Sobra akong nagulat. Hindi ko kasi talaga inaasahan. Nagselos. Oo. Pero alam kong wala akong karapatan. Ilang buwan na din kasi sila bago ko nalaman. Tapos hindi pa galing sakanya. May epekto pa din pala talaga siya sakin.
"Hoy Ia! May hindi ka sinasabi sakin. Nakakatampo naman."
"Ha? Ano ba yun, steff?"
"Kayo na pala ni Chad. Di ka man lang nagsasabi. Grabe! Parang di naman tropa." pagd-drama ko.
"Hala! Sorry steff! Hindi ko naman kase... Eh! Di ko naman alam na may gusto ka pa sakanya. Hala! Steff! Sorry na!" kinakabahan na sabi niya.
"Loka! Niloloko lang kita. Masyado! Pero nakakatampo talaga. Sa iba ko pa nalaman." pero sa loob loob ko, nagseselos talaga ako. Ka-asar naman.
"Eh kase, hindi ko alam kung pano sasabihin sayo eh. Sorry na, steff!"
"Di, okay lang. Ikaw pa ba. Congrats ah. Taray! Luma-love life na."
After ng pag-uusap namin ni Ia. Okay naman kami. Eh okay naman talaga kami dati pa eh. Hahaha. Ang gulo. Kasi syempre, Friendship over Boys pa din noh!
