Epilogue
Chad's POV:
"Wag kang mag-alala babe. Gagagawan ko ng paraan. Basta, huwag mo akong iiwan. Alam mo.namang mahal na mahal kita diba?"
"Aasahan ko yan, Chad."
Tinext ko si Steff. Kailangan namin mag-usap. Naawa na ako sakanya eh. Sabi ko sakanya, aalis kami. Susunduin ko siya.
Pagkasundo ko sakanya, dinala ko siya sa Park.
"Steff, may sasabihin ako sayo."
Hindi siya nagsasalita.
"Itigil na natin 'to, steff. Napapagod na ako eh."
Hindi pa rin siya nagsasalita. Pero namumuo na ang luha sa mga mata niya. Naawa ako. Pero hindi ko na siya kayang lokohin.
"Nagpapagod? Bakit? Nagsasawa ka na ba? Chad, ano?" Sabi niya na walang tigil ang pagtulo ng luha.
"No, hindi. Napag-isip-isip ko lang na... hindi talaga siguro tayo para sa isa't-isa. Masyado kang mataas, Steff. Sigurado naman akong makakahanap ka ng mas better saakin. I'm sorry, Steff." Then I left her crying.
Sobrang naaawa ako kay Steff. Hindi niya kasi talaga deserve ang tulad ko. Prinsesa siya eh. Gago ako. Hindi kami bagay. Pero minahal ko naman si Steff. Kaya lang mas minahal ko siya. Si Vince. Oo. VINCE. BI ako. Ilang buwan pa lang kami nun ni Steff ng nakaramdam ako ng kakaiba para kay Vince. Kaklase ko siya. Kaya walang akong gana minsan makipagtext kay steff kasi kasama ko si Vince. Kaya ko lang naman binalikan nun si Steff kasi, pinapaselos ko si Vince. Oo, alam ko. Gago ako. Sorry kung niloko kita. Kung hindi ko agad nasabi sayo kung ano talaga ako.
END