"Pag-ibig kong di nasabi"

83 14 5
                                    


Bawat araw at buwan
Ambilis na nagdaan
Kapag hindi masabi
Katagang nasa labi
Sana ay yong mapansin
Sayo'y di makatingin
May lihim na pagtingin.

Naalala mo pa ba?
Ngiti mong nagpakaba?
Sa pusong mahiyain
Sana ako'y ibigin
Pero di mapadama
Kaya ako'y nadapa
Pagsisisi nadama.

Sa aking sinisinta
Kaw pa ba'y makikita?
Sapagkat nung umalis
Lungkot ay tinitiis
Kelan mo malalaman
Ang lihim ng nagdaan
Ka'y aking minamahal.

TulalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon