"Sana"

81 14 0
                                    

                  (Spoken Poetry)

Simulan natin sa salitang "sana".
Sana ako nalang sya.
Siya na yong kinababaliwan.
Di mo man lang na-isip.
Ako din buong araw.
Buong araw ding nasasaktan.

Hinihiling sa bawat araw.
Na sana ako nalang.
Ako nalang ang ibigin mo.
Ako na handang ibigin ka pabalik.
Ako na handang maghantay sayo.
Ako na laging andyan para sayo.

Pero kahit anong pilit ko mang ipagpilitan ang sarili ko sayo.
Sa iyo sya parin ang sana mo.
Na sana mahalin ka nya.
Na sana mapansin ka nya.
Na sana maging kayong dalawa.

Kahit anong gawin ko.
Hanggang sana nalang
talaga ako sayo.
Kaya't ititigil ko na ang mga sana ko.
At lalayo sayo dahil di ko kakayanin
Kung magkakatotoo ang mga sana mo.😭

TulalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon