"Kaibigan lang pala"

28 10 0
                                    


Ako ay nagseselos
Puso'y naghihikaos
Sa tuwing nakikita
Ako'y naiirita
Pag kayo'y magkasama
Araw ko ay kay sama
Sakit ay naramdaman.

Lumipas ang mga araw
Ako sayo'y dumalaw
Ikaw ay kinausap
Mata mo'y nangungusap
Pinagtapat ko sayo
Nararamdaman kong to
Kahit alam kong bawal.

Ako nama'y nabigla
Binigyan mo nang sigla
Puso ko at damdamin
Nang yong sinabi sakin
Kaibigan mo lang sya
Puso'y muling sumaya
Kaibigan lang pala.

TulalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon