"Paalam"

61 12 0
                                    


Unang kita palang sayo
Hindi kita agad ginusto
Ngunit pagdaan ng mga araw
Ikaw ang laging naiisip sa bawat pag galaw.

Sa bawat tukso ng mga kasama
Kilig at saya ang nadarama
Pero pag ibig di nasabi
Naipagtapat ko lang nung ako'y tulog sa gabi.

Pag ibig natin hindi napagbigyan
Dahil sa puso kong mahiyain
Kaya't nangako sa sarili kahit ilang taon
Hahanapin kita sa tamang panahon.

Isang araw aking nalaman
Sa puso mo meron na palang nilalaman
Hindi na mapapalitan
Puso ko'y parang binalatan.

Akin nang napagpasyahan
Mawala man ang aking kasiyahan
Ikaw ay aking lilimutin
Kahit mahirap parang pagbibilang ng bituin.

Paalam!
Sa pag ibig kong ako lang nakakaalam
Sana'y lumigaya ka
Sa piling nya.

TulalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon