Chapter 5

3.1K 73 2
                                    

“SAAN ba tayo pupunta?” tanong ni Paula kay Miguel nang umagang iyon.

Ilang araw ding naging abala ito sa mga gawain sa hacienda at noon lang siya niyayang mamasyal nito.

“Bukas, babalik na tayo ng Manila. Naalala ko kasing hindi pa kita nasasamahan sa pamamasyal dito. Mangangabayo na lang tayo papunta sa lugar na ipapakita ko sa 'yo.”

Sa kuwadra ng mga kabayo siya dinala nito. Pumasok sila sa loob. Nilapitan nito ang isang itim na itim na kabayo. “This is Wind Ryder, isa siya sa mga paboritong kabayo ko. He’s an Arabian stallion. Ikaw na ang bahalang pumili kung aling kabayo ang gusto mong gamitin.”

Inilibot niya ang kanyang mga mata sa mga kabayong nasa loob ng malaking kuwadra. Ang puting kabayo na may kaunting batik na itim sa bandang likod ang nakakuha sa kanyang pansin. Humakbang siya palapit dito.

“Her name is ‘Precious.’ Si Emilia ang nagbigay ng pangalan sa kanya at si Emilia lang din ang nakakasakay riyan. Mailap si Precious sa ibang tao, mag-iingat ka sa paglapit sa kanya,” paalala ni Miguel sa kanya.

Hindi niya pinansin ang paalala nitong iyon. Hinawakan niya ang kabayo at marahang hinaplos ito. Hindi naman tumutol ang hayop, hinayaan siya nito sa kanyang ginagawa. Tila nagustuhan pa nga nito iyon.

“I like her,” nakangiting sabi niya.

Napangiti rin si Miguel. “I think she likes you, too.”

Nilagyan muna nito ng saddle ang dalawang kabayo, pagkatapos ay inalalayan siya nito sa pagsakay kay Precious bago ito sumakay kay Wind Ryder.

“Malayo pa ba tayo?” tanong niya kay Miguel pagkalipas ng ilang minuto na pangangabayo nila.

“Papasok pa tayo sa kakahuyang iyon.” Itinuro nito ang lugar na tinutukoy nito.

“Then bilisan na natin!” Pinabilis pa niya ang takbo ng kabayo at nauna na siya kay Miguel.

Nangingiting sumunod ito sa kanya. Ilang sandali lang ay narating na nila ang pinakapusod ng kakahuyan, at tumambad sa kanya ang isang napakagandang tanawin.

“Do you like it?” tanong ni Miguel.

“It’s beautiful.” Nagniningning ang kanyang mga mata habang inililibot niya ang tingin sa talon na nasa kanyang harap.

Lumawak ang ngiti nito. Halatang natutuwa ito na nagustuhan niya ang lugar na pinagdalhan nito sa kanya.

“Ito ang paboritong lugar ng pamilya namin dito sa hacienda,” anito habang inaalalayan siya nito sa pagbaba ng kabayo.

Dinala nito ang dalawang kabayo sa ilalim ng isang malaking puno at itinali ang mga ito roon habang siya ay patuloy na iginagala ang mga mata sa paligid. Muling bumalik si Miguel sa tabi niya pagkalipas ng ilang minuto.

“Hindi nabanggit sa akin ni Ella ang lugar na ito,” aniya.

“Dahil miyembro lang ng pamilya namin ang maaaring magtungo rito. This is our paradise. Espesyal ang lugar na ito para sa amin. Dito nag-propose ang lolo ko sa lola ko,  at dito rin ikinasal sina Mama’t Papa.”

“Really?” Hangang-hanga talaga siya sa ganda ng paligid.

“Yeah. Walang ibang nagpupunta rito na hindi miyembro ng pamilya namin. Kahit ang mga tauhan namin ay hindi nangangahas na magtungo rito.”

“Then why did you bring me here? I’m not supposed to be here, hindi naman ako parte ng pamilya ninyo,” nakakunot ang noong sabi niya.
Ngumiti ito. “Pero sa amin ka nakatira at parang kapamilya na rin ang turing namin sa 'yo.”

Fate Leads Me To You (COMPLETED- Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon