Epilogue

283 14 1
                                    

Fast forward...

Aleni's POV

"Yawnnnn," napatakip na lamang ako ng bibig at sinimulang mag-inat. Huminga ako ng malalim at pinasadahan ang kabuuan ng condo unit ko.

Mabuti na lamang at nag-ayos ako kahapon ng mga gamit ko kaya maaliwalas tignan kasi walang mga kalat.

Napatingin ako sa side table ko at kinuha ang cellphone ko na nakalapag doon. At tama nga ang hinala ko, natadtad na naman ako ng messages.

Message 1: Babyyy, gising na.

Oo, kami na. Mage-eight years na nga kami bukas eh! Hindi ko nga lang alam kung darating siya bukas since nasa ibang bansa siya ngayon. May ka-business meeting ata siya sa Dubai eh. Yup, CEO na siya ng company nila. Nagtake-over na siya sa position ng papa niya dun. Tas ako naman RN na (Registered Nurse).

Message 2: Nagpuyat ka na naman 'no?

Nag-file kasi ako ng leave sa trabaho ko kahapon for one week since kailangan ko ng vacation at quality time kasama yung family ko. Syempre pati na din si Kyro kaya napuyat ako kagabi kasi nanood ako ng K-drama, matagal tagal na kasi hindi nanonood. Kung dati ay tungkol sa trabaho ako nagpupuyat, ngayon naman ay dahil sa K-drama.

Message 3: Kapag nagising kana, kumain ka na agad. Huwag mong pabayaan kalusugan mo.

Nagreply naman ako sakanya ng 'Yes doc!' Simula noon hanggang ngayon lagi niya pa rin akong pinapaalalahanan. Minsan kasi sa sobrang busy ko sa trabaho, napapabayaan ko na yung sarili ko. Tsk, kaya doc tawag ko sakanya minsan eh.

Message 4: Punta ako mamaya dyan. Iloveyou!

Medyo kinilig naman ako dun. Owemjiiii, sabi ni crush Iloveyou daw oh! Hmmmp, parang teenager palang kami ah. Actually hindi pa kami naninirahan sa iisang bubong pero malapit na magawa yung dream house namin. Ewan ko nga ba kung kailan siya magpropropose eh. Ang tagal kaya! O baka naman wala siyang balak pakasalan ako?! Hmp! So anyways, dadating na pala siya mamaya.

In-off ko na lang yung cellphone ko pagkatapos kong mag-'Iloveyoutoo' sakanya. Naligo na kaagad ako at since hindi naman ako lalabas ngayon. Nagsuot na lang ako ng oversized shirt at nagbun na lang ako ng buhok. Siguro manonood na lang ako sa Netflix.

Lumipas ang ilang oras ng panonood ko sa netflix nang napagdesisyunan kong patayin na yung tv. Napatitig na lamang ako dito. Oh ano na next? Hayyyyy.

Nag-ikot ikot na lang ako sa loob ng condominium kahit na maliit lang naman ito tas napatigil ako ng mapadaan ako sa salamin. "Meh," reaction ko habang nakatingin sa salamin.

Ang oily na nung mukha ko siguro dahil sa kakakain tas naging messy bun na din kinalabasan nung buhok ko tas kitang-kita pa pala yung eye bags ko. Owenji! Ang pangit ko talaga. Well, matagal na naman na hmmmp.

Nanlaki na lang ang mata ko ng may kumatok sa pintuan ko. Sino naman kaya yun? Agad kong binuksan ito at mas lalong nanlaki ang mata ko.

"K-kyro?"

"Yup, ba't parang nakakita ka ng multo?" Nagtatakang sabi niya. WAHHHHHH! ANG PANGIT KO TAS MAKIKITA NIYA PA AKONG GANITO?! Lupaaaa, kainin mo na ako. Now na!

Lagi pa naman akong nagpapaganda para sakanya tas makikita niya lang akong ganito?! Shet ano nang gagawin ko?

Sa huli, napabuntong hininga na lang ako. Wala na, nakita na niya. Hayyyyy.

"Oh may problema ba?" nasa may sofa na kami ngayon tas nakaharap na siya sa'kin. Mukhang nag-aalala eh.

"Ang p-pangit ko eh. Ba't hindi mo sinabi ngayon na pala---" hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng bigla siyang napangiti tas nilagay niya yung kamay niya sa magkabilang pisngi ko.

"Insecure na naman baby ko," nakapout na sabi niya. Ang cute niya! Ang unfair naman, mas cute siya sa'kin ah! "Baby, kahit ano pang ayos mo maganda ka pa rin. You're beautiful babe, inside and out. Hinding-hindi ako magsasawa titigan yang pangit na sinasabi mo kahit kailan," mahabang sabi niya kaya namula ako. Tanghaling-tanghali ganyan siya!

---

"Guess what?" Pabitin na sabi ni Kyro habang kumakain ng carbonara na niluto ko.

"Hmmmm?"

"Ikakasal na si Luke," balita niya kaya nagulat ako.

"Really? How did you know?" tanong ko tsaka kumagat sa apple na hawak ko.

"Nakita ko siya sa airport kanina. Sinabi niya eh, invited daw tayo." paliwanag niya tas nagpatuloy sa pagkain.

"Wow, parang kailan lang ah." Hindi makapaniwalang sabi ko. Ang bilis talaga ng panahon. "Btw, ininvite din ako ni Chloe sa baby shower niya." Balita ko din sakanya.

"Oh, she's pregnant?" tanong niya kaya tumango ako. "Oo nga pala, may dinner mamaya kasama families natin. Both sides. Parang reunion lang." balita niya kaya nagtaka ako. Parang wala namang sinabi sa'kin si ate Claire ah?

Ah, baka busy sa dalawang anak niya kaya hindi niya nasabi. Natapos na kaming kumain kaya nagbihis na agad ako para sa dinner. I wore a simple casual maxi yellow dress.

Agad naman akong sinundo ni Kyro at nagtungo na kami doon. Huh? Ba't nasa beach kami? "Teka may pupuntahan lang ako," paalam agad ni Kyro tas umalis na, hindi na tuloy ako nakaangal. Saan ako pupunta ngayon neto? Nasa harapan ng sasakyan pa rin ako eh.

Napagpasyaan kong maglakad lakad na lang muna sa beach since sunset na hanggang sa napatigil ako at napatitig sa mga flowers na nagkalat sa sahig. Take note, these are my favorites! Daisy flowers siya. Kumuha ako ng isa at napagpasyaang sundan ang mga bulaklak.

Napagitla pa ako ng magsimulang tumugtug ang kantang A thousand years by Christina Perri. (Play niyo yung nasa taas)

Heart beats fast
Colors and promises
How to be brave~

Unti-unti akong napahawak sa aking labi ng makita si Kyro doon sa loob ng daisy flowers na naghugis heart. Nakapalibot doon lahat ng mahahalagang tao sa'min. Luhh, anong nangyayari?

How can I love when I'm afraid to fall
But watching you stand alone
All of my doubt, suddenly goes away somehow~

Napatulala na lang ako habang nakatitig sa lalaking pinakamamahal ko. Hindi ko namalayang hinila pala ako ng nakababatang kong kapatid na si Amira sa loob ng hugis puso na mga daisy flowers.

Time stands still
Beauty in all she is
I will be brave
I will not let anything, take away~

"Unang kita ko palang sayo nung bata tayo, alam kong gusto na kita. Gusto ko lagi kitang prinoprotektahan. Yung tingin ko sa'yo nung una tayo magkita hanggang ngayon, iyon pa rin iyon," napatitig na lamang ako sa mga mata niya na punong-puno ng pagmamahal.

Nanunubig tuloy ang mga mata ko. Nagpatakan ito sa sandaling lumuhod siya sa harapan ko. "Alezandra Monitha Perez, will you be my wife?" tanong niya.

"Yes!" Masayang sabi ko at niyakap ito. Naghiyawan naman lahat ng taong nakasaksi at yung iba ay tumalon pa.

"I'll love you for a thousand years," pakantang sabi niya kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinalikan siya.

Saksi ng paglubog ng araw ang aming pagmamahalan. Sunsets tell us that endings can be beautiful too.

He's my childhood crush turned into a stranger then turned into my highschool crush then he will soon turn as my husband!

Sinong mag-aakala na yung kababata ko lang pala noon, yung kalaro ko lang sa kalye at crush sa napakabata kong edad ay ang makakatuluyan ko pala?

The End.

(Basahin niyo pa yung susunod na chapter nito, may story 'to behind this story ;))

My Childhood CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon