3: Ice cream

354 21 4
                                    

Aleni's POV

"Hoy!" gising sa'kin ni ate at hinampas pa ako ng unan. Agad kong hinarang ang kamay ko ng binuksan ni ate ang kurtina.

"Ate, what is wrong with you?!" usal ko at inagaw sakanya ang unan. Kinuha ko ang orasan sa side table at ipinakita sa kanya. "Look, 4:45 am palang ng umaga!" reklamo ko at pumikit ulit.

"Wake up! Mag-jojogging pa tayo," sabi niya at binuksan ang cabinet ko. Naglapag siya ng tank top at jogging pants na adidas sa kama ko.

Hinila niya ako patayo kaya padabog akong pumunta sa banyo para maligo at mag-ayos. Itinali ko na din ang buhok ko para hindi abala sa mukha ko at nagsuot na lang ng contact lens dahil baka masira yung eye glasses ko.

"Ate, hindi ba pwedeng t-shirt na lang?" Reklamo ko sakanya habang tinitignan ang sarili sa salamin. Napanganga
naman siya ng tignan ako.

"Oh my gosh! You look fabulous!" Puri niya. Hindi ko alam kung jino-joke time niya ba ako or what. "Gaga! Napaka-arte mo eh ang ganda ng damit mo!" sabi niya at pabirong hinila ang buhok ko.

Napairap na lang ako at bumaba na kami. "Bagay mo naman pala ang contact lens, why don't you use it in school for sure, every guy will drool on you!" sabi niya habang nagjojogging kami. Napahinto ako sa pagtakbo, kanina pa kami nag-iikot dito sa subdivision namin.

"Ate naman kung ano ano sinasabi," umiiling na sabi ko. Iniisip ko palang, nandidiri ako. Me? Being attractive? That's really impossible. Napahawak ako sa tuhod ko para magpahinga.

"Bahala ka, sayang yang kagandahan mo tsaka sabagay bata ka pa naman. Magdadalaga ka rin," sabi niya at tumakbo na naman. Nagdiretso na kami ng bahay, sakto namang gising na din si mama.

Nagdidilig ng mga anak niya, char! I mean, mga halaman sa labas ng bahay. "Uuwi na papa niyo mamaya," sambit ni mama habang papunta kami sa loob.

"Papa!" sigaw ni Celine, ang nakababata kong kapatid at sinalubong ng yakap si papa. Seaman si papa kaya minsan lang siya dito sa bahay.

"Dalaga ka na ah!" sabi ni papa sa'kin tsaka ako niyakap.

"Parang naman ang tagal nating hindi nagkita, Pa," sabi ko at humiwalay na ng yakap.

"Hay Pa! Alam mo ba ang haba na naman ng paldang pinatahi niya sa school, mukha tuloy siyang basahan," puna na naman ni ate kaya ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain.

Ako na naman ang nakita. Pero sabi ni Papa, baby pa naman daw ako eh. Pumunta sina Mama at Papa sa mall kasama si Celine kaya naiwan kami ni ate sa bahay.

"Oh, ilabas mo muna si Zoey, naiinip siya dito sa bahay," utos sa'kin ni ate. Tinutukoy niya sa aso niyang shih tzu. Abala kasi siya sa pagtipa sa laptop niya probably an assignment.

Tumango na lang ako at nagbihis. Plain shirt, nike na shorts at slip on slippers. Nakashorts ako ngayon para maaliwalas tignan.

"Hey!" sabi ko ng biglang tumakbo ang aso kaya napatangay ako. Napadpad kami sa isang basketball court. May mga nagba-bicycle, nagtatakbuhan na bata at nagbabasket ball.

"Aray!" Daing ko ng matamaan ako ng bola. Ang malas ko nga naman. Napahawak ako sa ulo ko, buti na lang at hindi ako natumba. Pero hays, yung eye glasses ko. Maiyak-iyak kong kinuha sa sahig ang eyeglasses kong nagasgasan.

"Are you okay?" Nagulat ako ng makilala ang may-ari ng boses. Ibinulsa ko na lang ang eye glasses ko.

"L-luke?" tanong ko dahil baka nasobrahan lang ng tama ng bola ang ulo ko tsaka baka namamalikmata lang ako.

"Yes," sabi niya at ngumiti pa. Totoo ba ito?! "Are you okay?" Ulit niya ulit. Tumango na lang ako at ngumiti. Hindi naman pala malas, actually swerte. Kahit pa ulit ulit pa akong tamaan ng bola, okay lang basta nandito siya, gosh!

Nakajersey siya ngayon probably kagagaling lang magbasketball. "Come, i'll treat you ice cream," sabi niya at ngumiti na naman. Is he asking me for a date?! Okay, g ako!

"By the way, you look different..." puri niya habang nakaupo kami ngayon sa bench. Maybe because I don't have my eyeglasses minus the school uniform. Namula naman ako agad at nagpasalamat.

"Taga-dito ka ba?" Finally, a topic! And buti na lang hindi ako nautal.

"No, nag-aya lang yung barkada ko,"  he said and gave me a smile again. Why is he always smiling, parang gustong kumawala tuloy yung puso ko.

"Ah okay, sige bye na. My sister will scold me if anything happens to the dog, thanks for the ice cream," sabi ko at naglakad na palayo. Gosh, ang awkward naman pero atleast he knows that I exist in this world!

Kanina pa hindi mawala ang ngiti sa labi ko kaya napansin iyon ni ate. "Hoy Alezandra, anong ngiti iyan? May boyfriend ka 'no? Isusumbong kita kay papa!" sabi niya at tumakbo papunta sa kwarto nina papa kaya dali-dali ko siyang hinabol.

"Hindi 'no! Masaya lang ako, inggit ka na naman eh,"sabi ko at nilagpasan siya. Luke is really nice! Kahit hindi siya ang tumama ng bola sa'kin, siya pa rin yung lumapit at nilibre pa ako.

"MAMA, SI ALENI HINDI SUOT YUNG EYEGLASSES NIYA!" narinig ko pang sigaw ni ate mula sa baba pero tse, bahala siya. Inggit lang na masaya ako

Naiinip na tuloy akong mag-monday ulit para makita na naman siya.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>> Thank you for reading ♡! I also want to thank jejeymin_ for making the cover!

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>> Thank you for reading ♡! I also want to thank jejeymin_ for making the cover!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Childhood CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon