30: Tree house

212 14 5
                                    

Aleni's POV

Napatayo ako mula sa pagkakahiga ng may marahas na kumakatok sa pintuan ko na parang masisira na. Sino pa nga ba ba kundi si "Ano na naman ba, ate?" iritadong tanong ko dito pero mukhang excited siya.

"Girl, may nag-aantay sa'yo sa labas!" excited na sabi niya at hinawakan pa ang magkabilang balikat ko saka ito niyugyog.

"Baka naman boyfriend mo?" nakataas na kilay na sabi ko. Malapit na ang finals, kailangan ko itong paghadaan pero si ate ay kinukulit ako.

"Hindi! Basta, tignan mo na lang. Ako na bahala sa mga gamit mo," taboy niya sa'kin at kinuha ang nakatagong maleta sa aparador ko. Bakit kailangan ng maleta? May pupuntahan ba kami?

Wala akong nagawa ng itinaboy niya ako sa sarili kong kwarto. Bagot na bagot akong bumaba ng hagdan pero muntik na akong matapilok ng sumilay sa'kin ang mukha niya.

Oh my gosh ma! I'm getting married!

Agad kong inayos ang buhok ko at pinagpagan ang damit ko. Luhh, ba't nandito siya?

"Aleni anak! Ba't ang bagal mong bumaba," bungad sa'kin ni mama na nasa likod ng sofa katapat si Kyro at nasa tabi ni mama si papa na nanliliit ang mata sa'kin.

"Uhm, b-ba't ka nandito?" nahihiyang tanong ko pagkalapit sakanya. Dapat talaga ay nag-gown na ako kanina, hindi ko tuloy napaghandaan 'to!

"Y-your mom invited me," nahihiya ding sabi niya at napakamot ng batok. Waaaahh, ang gwapo niya ♡_♡

"Hoy ikaw ha, ba't parang napilitan ka pa," kalabit ni mama sakanya at sumimangot ito. Aangal na sana si Kyro nang magsalita na naman siya. "Pumayag din naman si mare dito eh,"

"Ah, hindi naman po tita,"  sagot niya sa unang sinabi ni mama at ngumiti pa siya ng tipid. Parang namamanhikan na tuloy siya, grabe talaga tong imahinasyon ko tsk tsk.

Nang nakababa na si ate ay kasama na nito ang maleta ko. "O siya, umalis na kayo," taboy sa'min ni mama kaya napakunot ang noo ko.

Nakarating na kami sa harapan ng pintuan ng pinigilan ko si mama. "Ma, bata pa ako. Ayaw ko pang magpakasal ma, ba't mo na ako tinataboy si bahay? May sariling bahay na ba kami---" bulong ko kay mama pero napatigil din ng pinandilatan niya ako ng mata.

"Iho," humarap si papa kay Kyro at hinawakan pa ito sa magkabilang balikat. "May tiwala naman kami sa'yo. Basta huwag kayong gagawa ng kalokohan." Paalala sa'min ni papa.

Namalayan ko na lang ang sarili kong nasa loob ng kotse niya. Hanggang sa nagbyabyahe kami ay nakakunot pa rin ang noo ko.

Hindi naman sa ayaw ko siyang kasama hehe magiging choosy pa ba ako!? Pero kasi ang daming tanong bumabagabag sa isip ko.

Saan ba kami pupunta? Tsaka diba 17 palang siya, how can he drive? Pero ayaw mo yun hanggang kamatayan kasama ko pa rin siya bwahaha.

"K-kyro, saan ba tayo pupunta?" finally at nakapagsalita na ako. Chance ko na 'to para makausap siya ng mas matagal pa.

"Ah, we're going to a tree house," paliwanag niya kaya napatango na lang ako. "And btw, you don't need to worry about me driving this car, I am already skilled enough to handle it," kumindat pa siya sa'kin kaya kumabog ng todo ang puso ko.

Naalala ko ding mabilis lang siyang matuto sa mga bagay bagay kaya hindi na ako magtataka kung bakit alam na niyang magmaneho.

Napatingin na lang ako sa kalsada at ang tahimik ng nilalakaran namin dahil halos walang sasakyang mga dumadaan dito. Malapit na din magdapit-hapon kaya medyo gloomy yung place.

Napahinga na lang ako ng malalim at pinagmasdan ang banayad na pagsayaw ng mga puno. I always admire nature, the gift of God. Whenever I see trees slowing swaying through the wind, it makes my heart and mind completely at peace.

"Do you like it?" napansin niya siguro ang paghanga ko sa kapaligiran.

"Mas gusto kita," NO JUST NO. HINDI KO NAMAN SINABI IYON DIBA?! Namula tuloy ako ng marinig ang halakhak niya. "A-atleast, napatawa k-kita," banat ko pa . Saan ba nanggagaling ang mga salitang binibitawan ko? Oh my gosh, Aleni ikaw ba yan?

Bigla ko tuloy naalala ang papel na nakatago sa likod ng picture frame na ibinigay niya. How can I tell him na gusto ko din siya?

Tsaka hindi ba't sobrang bata pa namin? Hindi ko pa siya kayang sagutin. Oo nga't crush ko siya pero siguradong papatayin naman ako ni mama kapag nalaman niya ito. Napabuntong-hininga tuloy ako.

"Any problem?"

"Wala naman," nagkibit balikat na lamang ako.

"We are here to have fun, just forget all your problems for a while."

"When you're with me, i'll make sure you'll enjoy every second of it," sabi nito at binuksan ang pintuan para sa'kin.

Hindi ko namalayang nandito na pala kami sa destinasyon namin. Nagtama ang mga mata namin. All I see is a soul that's genuinely caring for me and that is everyone's dream. To have someone that can truly understand you and that is caring...

Halos mapanganga na lamang ako nang makita ang kapaligiran. Madilim na ang paligid na mas lalong nagpaliwanag sa mga lanterns na nagkalat sa paligid ng puno.

Habang sa mismong puno naman ay napapalibutan ito ng mga fairy lights. "Woah," tanging lumabas na lamang sa bibig ko.

"Do you remember something?" tanong niya sa'kin at naunang naglakad. Nakaharap na siya sa'kin ngayon at paatras na naglalakad.

Napasinghap na lamang ako. It was my wish, ito ang lagi kong nababanggit sakanya noon. That I wanted a tree house and he promised me back then that he'll take me to one. Marahan siyang naglakad papalapit sakin.

Bahagya pa akong napaatras ng ilapit niya ang mukha niya sa'kin. Napapikit na lang ako pero agad nagsitayuan ang mga balahibo ko nang bumulong siya sa tenga ko. "I kept my promise."

At sa sandaling bigkasin niya ang mga salitang iyon ay isang musika ang bumalot sa buong kapaligiran.

Put your hand in mine
You know that I want to be with you all the time
You know that I won't stop until I make you mine
You know that I won't stop until I make you mine
Until I make you mine

"I'll court you until I make you mine,"

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>> Thank you for reading ♡ Vote. Comment. Share.

My Childhood CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon