24: Announcement

234 18 2
                                    

Stefanie's POV

"Ano gago suntukan na lang oh?!" asik ko sa kaklase kong kanina pa nagpaparinig. Hinawakan naman ni Chloe ang balikat ko para pakalmahin ako.

"Ha-ha, magkakaibigan nga kayo. Pare-parehong eskandaloso. Mga salot kayo sa campus. Don't tell me pati kayo nanlalandi na rin? Oops matagal na pala kayong---" hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang marahas ko siyang sinuntok.

"Stefanie!" sita sa'kin ni Chloe. Binigyan ko pa siya ng isang masamang tingin bago naglakad palayo, sumunod naman sa'kin si Chloe. "Oh my gosh, you punched her!" paalala niya pa at naging hysterical na.

Napaupo na lang ako sa pinakamalapit na bench at ibinaon ang aking mukha sa aking mga palad. Ganto lang ako pero kapag ako nagalit, maghanda ka na.

Then it hit me, I punched someone again. Napapikit na lang ako ng may maalala na naman ako.

"Miss, akin na yang bag mo," naglalakad ako sa isang madilim na kalsada ng biglang may dalawang lalaki na humarang sa'kin.

"Bilis na! Para hindi ka na namin saktan," sabi pa nung isa. Napahawak na lang ako sa bag ko. This was my dad's last gift.

Dahil wala naman silang armas ay pinilit kong manlaban. "Pare, nanlalaban, kala ko mahina," usal nung isa at doon nagdilim ang paningin ko. Ayaw na ayaw kong tinatawag ako na mahina.

Pagkakurap ko ay napakunot na lang ang noo ko. Parehas na silang nakahandusay sa sahig at may mga pasa na sila sa mukha at dumudugo na rin ang mga labi nila, dahan dahan akong napati ko sa aking kamao ay dumudugo din ito. N-nakapatay ako, nakapatay ako.

"Calm down," tahan niya sa'kin nang magsimula akong umiyak. I promised myself back then not to hurt anyone again pero kapag ang kaibigan ko ang usapan, magkamatayan na, huwag lang silang mapahamak. Si Aleni yun eh, kaibigan naman siya at naaawa na ako sa lagay niya.

Dumating ang break time at nandito na kami ngayon sa cafeteria, yun nga lang ay wala si Aleni. Absent daw siya ngayon sabi ng president nila ng mapadaan kami sa classroom nila.

Dahil nag-aalala naman ako ay nagmessage ako sakanya.

Me: Okay ka lang ba? Pwede akong pumunta sa bahay niyo ngayon.

Aleni: Okay lang ako, huwag kang mag-alala.

Napabuntong hininga naman ako. Lagi naman siyang ganyan. Sasabihin na okay lang siya kahit nararamdaman ko namang hindi. Paano niya ba nakakaya lahat ng iyon?

Pero dahil wala naman akong magagawa kung ayaw niyang sabihin ay pinatay ko na lang aking cellphone at itinuon ang tingin sa paligid.

As usual ay maingay na naman ang paligid pero as usual din ay nagbubulungan na naman sila at napapasulyap pa dito sa pwesto namin.

"Oh ba't parang malungkot ka dyan?" pansin ni Chloe kay Czarina kaya napalingon ako dito. Naikwento niya tungkol sa lola niya na namatay na. Hay buhay.

Tatayo na naman sa ako ng para makipag-away na naman sa kabilang lamesa nang may nauna ng nagsalita, ang isang pamilyar na boses sa gitna ng mga tao.

"Everyone listen up!" tawag niya ng pansin sa lahat ng tao sa cafeteria, kasama ang dalawa kaibigan niya sa magkabilaan. The powerful trio is standing infront of us. Natahimik ang lahat ng estudyante at hinintay ang susunod nitong sasabihin.

"Anyone who will cause any trouble or any harm to ALENI, ako ang makakalaban niyo." Mariing sabi nito at mas lalong natahimik ang mga tao. Sabagay who wants to mess with him diba? "Don't you dare mess with her. Back off." patuloy niya pa at yung mga ibang nakikinig ay nagsinghapan.

Bawat salitang lumalabas sa boses niya ay may pagbabanta kaya pati ako ay kinilabutan, Kyro Samonte...

Minsan nga ay nagtataka din ako, who is behind all of these nonsense? But, there is one thing that I am very sure of, he/she is a psychopath.

Kyro's POV

"Sino ba kasi may pakana ng lahat ng ito?" nagtatakang tanong ni Kayden. Nandito na kami ngayon sa bahay nila.

"For sure, sobra ang galit niya kay Aleni," sabat naman ni Luke.

"Pero ang bait kaya niya. Paanong may kaaway siya?" usal naman ni Kayden.

"She must be going through a lot. This is my fault..." mahinang sabi ko at ginulo ang buhok ko. Dapat ba ay iniwasan ko na lamang siya? But I just can't help it...

"Hindi naman tsaka ang tanga lang talaga nung mga chismis," naiiling na sabi ni Kayden kaya napalingon ako sakanya. Kaninang umaga ko lang talaga nalaman na si Aleni pala ang topic ng buong campus.

"Yeah, it's all about you and her. You must have fangirls, they are so crazy about you kaya nilalagyan nila ng issue si Aleni," si Luke na ang nagsalita. Napakunot naman ang noo ko. Ang babaw naman ata nun. They don't have the right to hurt her.

Kanina nga ay nagtataka sila sa ginawa ko. Hindi naman kasi porke't matataas ang posisyon ng mga magulang namin ay itatake advantage namin iyon but this time... I just felt that I need to do so kahit na ikakasira iyon ng imahe namin. It's like I want to protect her at all cost.

And there's a question that Luke and Kayden keeps insisting me to answer. "You're inlove, aren't you?"

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>> Thank you for reading ♡ Vote. Comment. Share.

My Childhood CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon