~9~

11 0 0
                                    

Our RPW Love Story written by ms_christie

XYRIA'S Point Of View

Hazel
Active Now

Hazel: Xyria I'm sorry. Nainis lang naman kasi ako dun sa huli nating pag-uusap. Tamang-tama na nag-aya sakin nun si Ericka at Cheska na magmall kami at sabi nila ichat daw kita kung sasama ka pero sabi ko wag ka ng isama dahil busy ka. I'm sorry kasi nagalit yung dalawa sayo. Naiintindihan naman kita kung bakit ayaw mong ipaalam eh kasi bawal. Ako na lang ang bahala sakanila na ipaintindi yun. I'm sorry talaga Xyria. I'm sorry.

Me: Hazel naman alam mo namang kahit may kaRS ako sasama ako sainyo eh. Nang dahil tuloy sayo nagalit sakin si Cheska at Ericka.

Hazel: Sorry na nga kasi Xyria. Promise aayusin ko 'to.

Me: Sige basta ha. Alam mo namang ayaw kong may nagagalit sakin. I give you the permission to tell them the truth. Tell them about the RPW thingy para mas maintindihan nila. Hindi ako makakaalis ng bahay may bisita kami dito eh.

Hazel: I'm sorry talaga XyXy. At tsaka pala nabigla lang naman ako nung huli tayong nagkachat kasi sinabi mong may kaRS ka na. Bilang kaibigan mo ayoko namang masaktan ka. Sorry ulit. Out na muna ako at magpapaliwanag pa ako kay Ericka at Cheska.

Hazel
Active 1 minute ago

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil naiintindihan ako ni Hazel. Nawala na din bigla yung inis na naramdaman ko para sakanya.

Alam ko namang kaya naging ganun yung reaction niya kasi ayaw niya lang na masaktan ako. Ganun talaga ang ugali ni Hazel.

Sana lang talaga maintindihan nina Cheska at Ericka kaya hindi ko sinabi sakanila.

Dahil sa pag-iisip ko ng malalim hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

-

*knock* *knock* *knock*

Nagising ako dahil sa katok sa pintuan. Sino naman kaya ang kumakatok na yan? Napatingin ako sa orasan at alas sais pa lang ng umaga. Ang aga naman manggising nito.

"Sino yan?" tanong ko sa medyo paos na boses. Ganito talaga ako kapag umaga.

"It's me Migo"

"Bakit ka ba nanggigising? Ang aga pa kaya"

"Umalis sila kaninang 5 and day off ng katulong niyo ngayon" ano namang kung umalis sila? Bakit ginigising pa niya ko?

"Umalis lang naman pala sila. Bakit mo pa ako ginising?" medyo iritado na ang boses ko dahil inaantok pa ako.

"Nagugutom na ako" sabi niya sa paawang boses.

"Magpaluto ka nalang ng breakfast kay Manang"

"Wala dito yung katulong niyo. Day off kahapon pa"

"Edi magluto ka nalang. Maraming pagkain sa ref" sagot ko sakanya sa tinatamad na tono. Inaantok pa talaga ako eh.

"Hindi ako marunong magluto" sabi niya na parang nahihiya pa. Napahawak na lang ako sa noo ko. I thought marunong siya. Sa tingin ko pa naman mas matanda siya sakin ng ilang taon. At isama pang Chef ang Mama niya.

"Bahala ka diyan. Inaantok pa ako. Magluto ka nalang kahit hindi ka marunong. Huwag mo kong istorbohin" sabi ko habang nakayakap sa unang ko.

Ilang minuto lang hinila na naman ako ng antok.

-

Nagising ako sa masarap na pagkakatulog ko ng makaamoy ako ng nasusunog.

Nasusunog na ba 'tong bahay?

Dali-dali akong lumabas para tingnan kung ano yung nasusunog. Habang pababa ako ng hagdan napagtanto ko na sa kusina pala nanggagaling ang amoy sunog.

Naabutan ko si Migo na inaahon ang nasunog na itlog. At pagtingin ko sa may gilid ang sandamakmak na hotdog na puro sunog din at hindi na talaga makakain.

"Anong ginagawa mo? Akala ko nasusunog na 'tong bahay namin eh" kunot noong tanong ko sakanya.

"Nagluluto. Diba ang sabi mo magluto ako kahit hindi ako marunong" kalmadong tugon niya na parang hindi siya nakasunog ng sandamakmak na itlog at hotdog.

"So sinunod mo naman? Ganun ka ba kagutom?"

"Honestly, yes It's been an hour nung pinuntahan kita sa kwarto mo pero wala pa ring laman ang tiyan ko" nanlulumong aniya

Nakaramdam na din naman ako gutom at ako na ang nagpresintang magluto.

"Ako na ang magluluto. Umupo ka nalang diyan"

"Yes, Ma'am" masayang sabi niya sabay saludo pa.

Tiningnan ko muna sa Ref kung ano pang pwedeng lutuin at nakakita ako  ng bacon. Bago ko lutuin yung bacon nagsaing muna ako sa rice cooker.

"Bakit nga pala hindi ka marunong magluto? Diba Chef si Tita Angie?" curious kong tanong. Kasi diba yung mga anak ng Chef magagaling magluto kasi tinuturuan sila ng mga magulang nila para may susunod sa mga yapak nila.

"Tinuruan ako ni Mama once pero ayaw ko talaga ng pagluluto"

"Hindi ka manlang natuto nung tinuruan ka? Kahit simpleng pagpiprito hindi ka marunong eh" tanong ko sakanya habang binabaliktad ko 'tong bacon na niluluto ko.

"Hindi kasi ako nagfofocus eh. At tsaka wala talaga ako hilig sa pagluluto hindi ko yun namana kay Mama"

"Ahh" yun na lang ang nasabi ko habang nilalagay sa lamesa ng naluto ko ng bacon.

Pareho lang kaming nakaupo sa upunan ng dining table at iniintay maluto ang sinaing sa rice cooker.

Kinuha ko nalang muna ang cellphone ko sa bulsa ko para mag online at ichat si Kent.

Nagcecellphone din kasi si Migo eh kanina pa eh.

Kent
Active Now

Me: Goodmorning. I love you♡

Kent: Goodmorning din My Sky

Me: Kumain ka na ba?

Kent: Hindi pa nga eh

Me: Bakit naman? Kain ka na

Kent: Wala pang pagkain eh

Me: Edi magluto ka

Kent: Hindi ako marunong magluto eh. Ang dami ko ng nasunog na hotdog at itlog.

Kent: Ah sige Sky. Out muna ako. Yung sinaing kasi eh. Bye

Kent Thyford
Active 1 minute ago

Pagkatapos ni Kent mag out nakita kong tumayo si Migo para puntahan yung rice cooker.

Natulala naman ako sa nakita ko.

Hindi kaya...

To be continued...

Last Two Chapter nalang

Enjoy Reading

Our RPW Love Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon