~7~

10 0 0
                                    

Our RPW Love Story written by ms_christie

Xyria's Point Of View

Tatlong araw na rin simula ng mag-usap kami ni Hazel at simula nun hindi ko pa ulit na oopen ang real account ko. Ayaw kong makausap si Hazel. Alam kong tutol siya sa pakikipag RS ko, alam ko namang kahit balibaliktarin ang mundo tama pa rin siya. It's just an act. Hindi dapat ako nakipagrelasyon kay Kent.

Kent nga ba? Kent nga ba ang totoo niyang pangalan? I guess it's not. Ba't ka nga naman magpapangalan sa RP ng malapit sa pangalan mo. When you are in RPW you should known better. You better think wisely. Hindi naman siguro si Kent magbibigay ng clue tungkol sa totoo niyang pagkatao.

Kapag kaya tinanong ko siya kung anong real name niya magsasabi ba siya ng totoo? O baka layuan niya lang ako? I don't know kung anong magiging reaction niya.

Pero hindi ko naman malalaman kung hindi ko susubukan eh.

Kent Thyford
Active Now

Kent:  I miss you My Sky. I love you♡ I'm sorry ngayon lang ako nakapagchat sayo after three days. I miss you ulit *hugs and kisses*

Me: I miss you too and I love you too. Nakakatampo ka. Hindi mo manlang sinabing three days kang walang paramdam. *pout*

Kent: Ang cute mo talagang magtampo My Sky *smiles

Me: Hmmpp binobola mo naman ako eh.

Kent: Hindi kita binobola My Sky nagsasabi ako ng totoo. Ikaw ang pinakacute at pinakamaganda kong kaRS

Me: Tumigil ka na nga sa pambobola mo mamaya maniwala na ako niyan

Kent: Hindi ako titigil at magsasawang sabihin sayong maganda at cute ka.

Me: Naku tama na ang bola Kent dahil sa bawat salitang chinachat mo lalo akong nahuhulog sayo.

Kent: My Sky pinapakilig mo ba ako?

Me: Gumagana ba? Kung gumagana pinapakilig nga kita if not then hindi kita pinapakilig?

Kent: Yes, My Sky it's very effective. Kung alam mo lang nakangiti ako ngayon dito sa kwarto ko na parang baliw.

Me: Do you mind if I see your bright smile Kent?

Kent: My Sky...you know the rules

Me: Yeah I understand but Kent this is just a simple favor. Can I know your real name?

Kent: Bridgette!

Me: What?

Kent: Alam mong hindi pwede yang hinihiling mo.

Me: Yeah I know

Me: I love you mamaya na lang may pupuntahan kami ng Parents ko.

Kent: Sige I love you too

-

Nagpaalam na ako kay Kent kahit wala naman talaga kaming pupuntahan ang parents ko.

Naiis lang kasi ako. Hindi ako kay Kent naiinis. Naiinis ako sa sitwasyon namin. Bakit sa ganitong mundo pa namin kailangan magkakilala? Dun sa mundo na may mga bawal gawin. Sa mundo na may rules though it's not totally a rule dahil parang limitation mo lang sa sarili mo na bawal kang magbigay ng personal information tungkol sayo.

Napasabunot nalang ako sa buhok ko sa sobrang inis. Nafufrustrate ako na ewan. Hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko. Naghahalo-halo na. Naiinis, nafufrustrate, nanghihinayang at marami pang iba na puro negative.

Kung dati nagpapagulong-gulong ako sa kama sa kilig ngayon naman dahil sa inis at frustration na nararamdaman ko.

Napatigil lang ako sa paggulong ko sa kama dahil sa katok sa pintuan.

*knock* *knock* *knock*

"Who's that?"

"Ako 'to Ma'am pinapatawag ka ng Mama at Papa mo" wika ng katulong.

"Sige bababa na ako"

"Sige po Ma'am"

Bumangon na ako sa kama at hindi na nag-abalang tingnan ang sarili sa salamin. Sina Mama lang naman yun.

Pagbaba ko ng hagdan nagulat ako ng may bisita pala kami. My god nakakahiya ang itsura ko.

Medyo gulo ang buhok ko dahil sa pagulong-gulong ko sa kama. Isama mo pa na nagusot na rin ang suot kong damit. Mukha akong baluga.

"Xyria, bakit ganyan ang itsura mo? Magpalit ka nakakahiya sa bisita natin" sita sakin ni Mama na agad kong sinunod.

Dali-dali akong umakyat sa taas at nagbihis ng matinong damit. Simpleng tshirt lang na peach at short lang na pambahay. Basta mas nagmukha akong presentableng tingnan kaysa kanina. Nagsuklay na din ako at tinali ng ponytail ang buhok ko hindi katulad kanina na sabog sabog na para akong baliw sa kalye.

Hindi na ako naglagay ng anumang pampapula ng labi dahil sadya namang mapula ang labi ko. Nagpulto na lang ako pagkatapos at bumaba na ulit ako.

Nadatnan kong nagkakatuwaan na ang bisita namin at si Mama. Isang babaeng kaedaran niya lang siguro yun at ang hindi ko napansin kanina ay may lalaki pa palang kasama yung babaeng bisita namin. Sa tingin ko dalawa o tatlong taon ang tanda sakin nung lalaki.

"Oh nakapag bihis ka na pala anak, by the way ito ang Ninang Angie mo at yun naman ang anak niyang si Migo" pakilala ni Mama sa sinasabi niyang ninang ko daw at dun sa anak nun na hindi man lang ako tinapunan ng tingin dahil busy siya sa pagkalikot ng cellphone niya. May itsura yung anak ni Tita Angie pero hindi ako interesado sakanya. May gusto na akong iba eh.

"Nice to meet you po" nakangiting kong sambit at nagmano ako sa ninang ko daw bilang tanda ng paggalang.

Nagkwentuhan pa sila nina Mama at Ninang Angie habang nagpaalam naman akong babalik na muna ng kwarto ko.

Note:

Hello sainyo na nagbabasa kung meron man pero alam ko namang wala haha. So malapit na 'tong matapos ilang chapters na lang.

Sa tingin niyo sino kaya si Migo? Siya kaya si Kent? Haha nagbibigay na ako ng clue😂


Our RPW Love Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon