Chapter 1

10 0 0
                                    

Alexandra's Pov.

"Ma!" medyo malakas na tawag ko ki mama at nilingon niya naman agad ako.

"Ano? Halika na at doon nalang tayo maghintay, sasama tayo sa kanila." sabay turo doon sa kausap niya kanina.

'kung di lang talaga kelangan umalis! Tss.'

"Alexandra Zy!" muli akong bumalik sa reyalidad ng tawagin ako ni mama na medyo malayo na sa kinakatayuan ko.

"Ayan na!" at saka sumunod ki Mama.

Naghihintay kami ng masasakyan ngayon dahil pupunta kami sa bahay nila Lola. Habang naghihintay ay may naka-kwentuhan naman si Mama kaya medyo nalibang din siya. Ako? Nakaheadset lang habang nakapikit, ilang oras din ako sa gano'ng pwesto kaya naman hindi ko namalayang alas-dies na pala ng hating gabi, naalala ko umalis kami sa bahay mga ala-una palang ng hapon.

Huminto kami sa may gilid ng Gasoline Station, meron do'n maliit na store na puwede mong pag-istambayan. Do'n sa harap ng tindahan na 'yon kami naghintay. Sinandal ko ang sarili ko sa salamin ng tindahan at pinagkrus ang braso tsaka pumikit.

"Alexa anak, hindi ka ba nagugutom?" biglang tanong ni Mama sa'kin pero hindi ko na nagawang dumilat pa at umiling na lamang.

"Maya maya pa daw dadating yung bus na sasakyan natin kaya kumain ka muna." sabi ni Mama na halatang pinipilit talaga akong kumain kaya naman ay wala na akong nagawa kundi ang imulat ang mga mata.

"Hindi pa talaga Ma, don't worry" nakangiting tugon ko sa kanya at saka binaling ang atensyon sa unahan.

dO_ob?

At sino naman 'to?

Nagulat na lang ako sa naging reaksyon ko dahil huminto ang paningin ko sa isang lalaki na nakatalikod. Hindi ko maalis sakanya ang paningin ko na para bang napako na sakanya. Hindi ko maiwasang magtaka kung bakit gano'n ang reaksyon ko sa lalaking iyon. Pero binaliwala ko na lang yun at napagdesisyunang kumuha muna ng maiinom.

"Ma? Sa'n dito nakalagay yung binili kong Chuckie?" tanong ko ki mama habang hinahalungkat ang bag na dala ko.
"Nandyan yata sa maliit na bulsa ng bag mo." sagot nito at agad ko namang nahanap.

Habang umiinom ay muli akong tumingin sa lalaking pumukaw ng atensyon ko. Kunot-noo kong tiningnan ang kabuuan niya, ulo hanggang paa. May katangkaran rin at malaki laki ang katawan, ngunit hindi ko na iyon pinansin at nang maubos ko na ang iniinom ko ay may nakita naman kagad akong basurahan at itinapon iyon. Pabalik na sana ako ng may nakasalubong akong isang lalaki, batid kong lalaki iyon dahil halata naman sa paa niya, nakacap kasi ako at nakatingin lang sa baba kaya naman paa kagad ang makikita ko. Huminto siya kaya napahinto din ako, dahan-dahan kong inangat ang tingin at diretsong tumingin sa mukha niya. Nagulat ako dahil nakatingin din siya sakin---yung lalaki kanina.

"E-Excuse me?" nahihiyang tugon niya saken. Nagulat naman ako at pumikit pikit muna.

"H-Ha?" nauutal kong tanong.

Still Into You Where stories live. Discover now