"Thank you." ang huling katagang sinabi ko sa kaniya.
Nakaupo kami ngayon sa isang bench, naghihintay ng barkong sasakyan namin. Busy si Mama makipag-kwentuhan do'n sa kasama namin mula kanina, at eto naman ako nakatunganga.
"Ate!" bumalik ako sa reyalidad nang tawagin ako nung bata kanina.
"Mm?" nakangiting tanong ko sa kaniya. Lumawak naman ang pagkakangiti niya at tumabi sa inuupuan ko.
"Sabi mo kanina magpapakilala ka na saken." naka-yukong sambit niya. Natawa naman ako sa iniasta niya at umupo sa unahan niya.
"Ba't lumungkot ka?" nakabusangot kong tanong.
"Eh hindi pa kita kilala e, ang daya"
"Tsh, para lang no'n e" tatawa-tawa kong sabi. "Hmm...Ako si Ate Alexandra mo, pwede mo akong tawagin sa kahit anong gusto mo." nakangiti kong sagot. Ngumiti naman siya at hinimas himas nanaman ang buhok ko.
"Alexandra? Amm...do...Ah! Alam ko na ang itatawag ko sa'yo ate" abot langit na ngiti niyang sagot. Na-curious naman ako kaya agad kong tinanong kung ano 'yon.
"Sige nga, ano 'yon?" nakangiti kong tanong.
"Amm...sikret!" tatawa-tawa niyang sagot sabay takbo papalayo. Napakamot naman ako ng ulo at hinabol siya.
"W-wuy, dito ka lang baka mawala ka." sigaw ko sa bata habang hinahabol siya.
Agad naman siyang huminto at napahinto din ako, medyo malayo siya sakin. Tumakbo ako papalapit sa kaniya at hinila siya papunta sa inuupuan namin kanina. Hingal na hingal siyang umupo at naghabol ng hininga.
"E-Excuse me po, Ma? Pahinging tubig." tawag ko ki Mama habang kausap niya yung lola nung bata.
"Bumili ka na lang, Alexa. Ubos na yung mineral natin dito." inabot naman kagad ni Mama yung pangbili at agad akong pumunta do'n sa bata.
"Ayos ka lang ba? Wala ka bang asthma or what?" nag-aalala kong tanong sa bata, tumingin naman siya sakin at ngumiti.
"Wala po, ayos lang po ako hehe"
"Halika, bibili tayong tubig mo." inalalayan ko naman siyang tumayo at hinawakan ko ang kamay niya habang naglalakad.
Sa malapit na store lang kami pumunta, baka kasi bigla kaming tawagin nila Mama. Nagiikot-ikot kami ngayon dahil may gusto daw siyang bilhing pagkain, pinagbigyan ko na din naman kasi bata. lol.
"Ate! Eto po yung gusto kong bilhing pagkain!" kinuha ko naman 'yon at ibinigay sa counter kasabay nung tubig at nung Chuckie na binili ko.
"Magkano po lahat?" tanong ko sa cashier.
"64 pesos po lahat Ma'am." nakangiting sagot nung cashier, tumango naman ako at ibinigay yung bayad.
YOU ARE READING
Still Into You
Teen FictionIlang taon na ang nakalipas ngunit hindi pa rin mawala sa isip ni Alexandra ang lalaking bumihag sa puso niya. Nakilala niya lang ito ng biglaan, pero kung mahalin niya ito ay matagalan. Walang araw na hindi niya ito iniisip, kaya naisipan niyang gu...