Chapter 3

6 0 0
                                    

Busy ako kaka-picture nang namalayan kong maliwanag na talaga, naalala ko yung sinabi ko ki Caz na tatawagan ko yung isa. Agad kong linagay sa bag yung camera at kinuha sa bulsa yung cellphone ko.

Idi-dial ko pa lang sana yung number niya nang maunahan niya ako, agad ko namang sinagot ‘yon.

Oh?” sagot ko. Narinig ko namang bumuntong hininga siya.

“Kelan ka ba magbabago? Ha, Ms. Alexandra Zy De Villa? Bungad niya sa’kin, kumunot naman kaagad ang noo ko at tiningnan ang screen kung siya ba talaga ‘yon.

“Ha? Anong bang pinagsasasabi mo, Mr. Geedion Anderson?panggagaya ko sa kaniya.

Ganyan kasi palagi ang sagot mo tuwing tumatawag ako. Kelan ba magiging ‘Hi, pogi’  o kaya naman ‘Hi, handsome’ yang bati mo, ha? Hindi yung puro ‘Oh?’, nakakainis kaya. Panira ng araw e.”

“Teka nga, kauma-umaga nangsesermon kayo! Ano bang problema niyo? Tumawag ka ba para lang diyan?” kunot-noo kong tanong sa kaniya.

Hahaha, hindi ah. Joke lang naman e. By the way, goodmorning bestfriend! Musta kayo ni Tita?” biglang nagiba ang tono niya at mukhang masaya na.

Tss, ayos lang naman. Nakasakay na kami sa barko, mga ilang hours pa yan bago kami makarating do’n.” sagot ko habang nakakunot ang noo.

Are you mad? Okay, I'm sorry. Nakakatampo lang kasi palagi na lang gano’n ang bungad mo sa’kin.” kahit hindi niya sabihin alam kong naka-pout nanaman ‘yon. Ang cute pa naman no’n kapag nakabusangot, ang sarap sakalin. De joke, mahal ko ‘yan kahit ganyan yan.

Hindi naman ako galit, badtrip lang. Tsaka nakasanayan ko na rin kasi yan, pati nga si Mama ganyan parati ang sagot ko.” paliwanag ko, narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya.

“Are you sure? Uy ano, kumain ka na ba? Nakatulog ka man lang ba diyan? Baka hindi pa ah? Masama yan, Zy.” Dire-diretso niyang tanong.

Ang hilig niya talagang mang-tawag sa second name ’

Oo sure ako. Nakakain na rin naman na ako, pero kanina pa. Tinawagan kasi muna kita nung nakita kong umaga na. Yung tulog talaga ang hindi pa, baka mamaya na lang. At alam mo? Parang inulit ko lang yung mga sinabi ko ki Caz kanina, parehas na parehas kayo ng tinatanong at sinesermon.” Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa.

Hahaha syempre parehas mo kaming bestfriend no. Tsaka kumain ka ulit ng umagahan, bawal kang malipasan. Tsaka matulog ka na, matagal pa naman yata ang byahe niyo.”

“Oo, maya-maya na. Ikaw, kumain ka na ba?”

“Oki. Hindi pa nga e, ikaw kasi.” Nabigla naman ako dahil ako nanaman ang dahilan niya.

Oh, ba’t ako nanaman? Ikaw kaya ‘tong tumawag, duh.” Sagot ko habang naka-pamaywang.

Hahaha ikaw kasi naalala kita, tsaka nag-aalala ako baka kung ano nang nangyari sainyo e.”

“Tss, grabe ah? Parang gusto mo na kaming mawala sa mundo.”

“Hindi ah! Eto talaga si bestfriend oh hahaha” sabay tawa niya pa. “Oh sige na, ibababa ko na ‘to tsaka kakain na ako, kumain ka na rin. Ingat na lang sa byahe.” Paalam niya.

Sige, salamat. Eatwell, Dion.”

“Oo, ikaw din. Pakamusta na lang ako ki Tita Xara. See you soooon! Miss na kita, bestfrienddd!” sigaw niya sa kabilang linya, kaya bahagya ko pang nailayo ang cellphone sa tainga ko.

Still Into You Where stories live. Discover now