Chapter 4

12 0 0
                                    

Nagdalawang isip pa ako kung susundan ko siya o hindi, at napagdisisyonan kong 'wag na lang. Naalala ko naman yung pinapabili ni Mama kaya dumiretso na ako sa may Dunkin.

"Isang hot coffee tapos may chuckie kayo?"

"Meron po, Ma'am." Nakangiti niyang sagot, napatango naman ako.

"Isa ding Chuckie---ah, dalawa na tuloy tapos tatlo nang hot coffee." Sabi ko sa nagtitinda, naisip ko naman kung magkano na lang kaya ang tira sa ipon ko. 'huhuhu goodbye ipon'

"Ito na po, Ma'am." Sabay abot sa'kin nung binili ko, inabot ko na rin yung bayad at umalis na.

Pagkabalik ko naabutan kong gising na si Sofhie kaya agad siyang pumunta sa'kin.

"Ate Doll!" nagtaka naman ako sa itinawag niya sa'kin at umupo ako para makapantay siya.

"Eh? Ba't Ate Doll?" takang tanong ko sa kaniya.

"Yan na po ang tawag ko sa'yo, hehe" nakangiti niyang sagot, napakamot naman ako ng ulo dahil ang wierd hahaha.

"Bakit naman doll? Akala ko pa naman hawig sa name ko, nagisip-isip ka pa kanina." natatawang sagot ko sa kaniya

"Hehehe, kasi po mukha kang doll sa malapitan, tsaka ang ganda po ng mata mo."

"Ah, hahaha. Mas maganda ka pa rin." nakangiti kong sambit sa kaniya sabay pisil sa pisngi niya. Ano namang konek ng mata ko sa doll? May pagka-wierd din 'tong bata'ng 'to e.

"Teka lang ah? Pupuntahan ko lang si Mama." paalam ko sa kaniya, dumiretso naman ako sa pwesto ni Mama at iniabot yung kape niya.

"Oh ma, mainit pa yan. Ibibigay ko lang 'to kila Lola." hinatid ko naman kila Lola yun dalawang kape, at katulad kanina grabe nanaman ang pasasalamat nila. Tsk! Maliit na bagay hahahaha.

"Ma?" tawag ko ki Mama na abala nanaman sa cellphone niya.

"Mm?" sagot niya sabay tingin sa'kin.

"Ba't kila Lola pa tayo magbabakasyon? Wala tuloy kasama si kuya sa bahay." nakabusangot na tanong ko.

"Doon na lang daw muna ang kuya mo sa bahay ng lolo mo. Mabuti nga 'yon para may kasama man lang si Dad sa pasko."

"Kinakabahan ako, first time kong mame-meet si Lola Carmen." bigla naman ako napatingin ki Mama dahil bigla siyang tumawa. Like anong nakakatawa do'n?

"Mabait yun si Auntie Carmen, gustong-gusto ka na nga no'n makita kasi huli ka niyang nakita bata ka pa---chubby ka pa." natatawa niyang sagot. Hays, pinaalala nanaman yang chubby na yan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 13, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Still Into You Where stories live. Discover now