Zam's POV
Recess na at loner ako ngayon. Why? Absent si bestfriend,e. Masakit daw ulo niya sabi ni tita kaya ayun! Absent.
Pumunta na akong canteen at buti kokonti lang tao ngayon. Umorder na ako ng pagkain ko tsaka naupo sa sulok. Wala e. Ganun talaga.
Isusubo ko pa lang pagkain ko ng umupo sa harapan ko si Shiela na may dalang pagkain.
"Ano yan Lene? Loner?"
"Ay hindi. May kasama ako. De joke lang. Oo e. Absent kasi si Monica." malungkot na sabi ko.
"Ano ka ba. Huwag ka ng malungkot! Nandito naman ako." sabi niya kaya tumango at ngumiti na lang ako. Namimiss ko na agad si Monica. Nakakamiss kakulitan nun!
Kumain na lang kami ng kumain ni Shiela. Wala nga akong gana pero sayang yung pagkain. Sayang din pera kaya kinain ko na. Kumakain kami ng may tumili,
"Ang Dakilang Suplado ayan naaaaaaaaaaaaaaaaaaa!" Alam ko na kung sino yan. Si Eljhay. Dahil sa famous siya, kilala din siya ng lahat sa pagkasuplado niya.
Hindi na ako tumayo kahit nandyan na ang super duper crush ko dahil wala ako sa mood. At isa pa, makikita ko rin yan sa classroom! Jusko. Kaklase ko kaya yan. Pero infernes! Medyo kinilig ako kanina nung nanghingi siya ng papel. Hihihihi. Ay gaga! Konting bagay kinikilig agad ako.
Kain lang ako ng kain hanggang sa maubos na ang foods ko. Nagpaalam na rin ako kay Lene na mauna na sa taas dahil may isusulat pa ako sa TLE. Nakakatamad kasi magsulat kanina kaya di ako nakapagsulat. Pumayag naman siya.
Lakad lang ako ng lakad ng may mabunggo ako. Aish.
"Sorry." sabi ko at tumingin sa kung sino mang tao ang nabunggo ko. Si Suplado Eljhay lang naman.<3 ^__________^
"H-hi Eljhay." sabi ko at tinaas pa yung kamay ko bilang wave. Pero hindi ko naman winagayway, tinaas lang. Weird.
"Ano bang problema mo at nakayuko ka maglakad?" cold na tanong niya. Wala talaga ako sa mood pramis! Wala kasi si Monica. Badtrip.
"Suplado." bulong ko.
"Ano binubulung-bulong mo dyan?"
"Wala! Sabi ko ang gwapo mo sana suplado lang." sabi ko at tumakbo na. Waaaaaaaaaaaahhh! Ang tanga ko. Bakit ko sinabi sa kanya yun? Nahihibang na ba ako? Waaaaahhhh. Help. Baka maturn-off sakin si Eljhay! Mommyyyyy. I need you. :(
----------------------------------------------------------------------------------------
ELJHAY's POV
Napasmirk na lang ako sa sinabi ni Zam. Suplado daw ako. Well, tanggap ko naman yun dahil iyon ang totoo. Imbis na magalit ako sa babaeng iyon, mas lalo pa akong natuwa. Ang cute cute niya kasi tsaka totoo siya. Ako nga di makapaniwala na sabihan niya ng suplado e. Natawa na lang ako sa iniisip ko. Namula kasi siya tapos biglang tumakbo. HAHAHA! Ang cute lang.
Naglalakad ako ng nakangiti at papunta ako ngayon ng garden. Magkikita kasi kami ng tropa. May 15 minutes pa naman before class. Hanep nga e. 30minutes ang recess namin. Diba? Bongga. Pwe. Nakakabakla.
Lima pala kami sa tropa -- Ako, si Terrence, Mike, Michael, at Lucas. Sasabihin ko pa ba mga katangian nila? Wag na. POV ko to. Epal lang sila. Masanay na kayo kung bakit ganto ako. Suplado. Pinanganak na talaga akong ganto.
Nang makarating ako sa garden, nakita ko agad sila na mga nakaupo. Si Mike at Terrence nakaupo sa bench. Si Michael naman, nasa damuhan at nagbubunot ng damo. Tss. Kabayo! At ang huli, si Lucas, nakahiga sa damuhan at nagcecellphone. Madalas kaming tawagin na FH5. Bakit? Famous Hearthrob daw kasi. Tch. Pauso.
BINABASA MO ANG
Ang Suplado kong Crush
HumorIm just a simple girl have a good ambition. But suddenly, I have a crush. Actually he is myclassmate. Sobrang gwapo niya. Sa sobrang gwapo niya nga eh naging King siya ng school namin. Pero I don't know, napakasuplado at sungit niyang tao! Ewan ko k...