Zam's POV
Nagising ako dahil may nararamdaman akong liwanag. Nang inimulat ko ang kaliwang mata ko, nakita ko si papa na binubuksan yung window. Hays. Papa naman eh!
Nagtalukbong akong kumot dahil sa antok na antok pa ako. Puyat kasi ako medyo e. Kailangan ko ng konti pang tulog.
Papikit pa lang ako ng maramdaman kong umupo si papa sa kama ko. Ano bang trip ng ama ko?
"Princess, bangon na." sabi ni papa pero naghmm lang ako. Kunyari tulog. Hihihi.
"Huwag ka nang magtulug-tulugan! Kilala na kita." sabi ulit ni papa. Hays. Papa!!
"Papa naman e. Sabado naman. Itutulog ko muna to." sabi ko pero nakatalikod ako kay papa at nakatalukbong pa rin ng kumot.
Naramdaman ko naman na tumayo na si papa at narinig ko na rin ang pagsara ng pinto. Hays. Im free to sleep. Yey!
"Ngayon ko lang nalaman na tanghali ka na pala bumabangon?"
Maaga pa sa alas syete kung bumangon ako. That voice. I know kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
Unti-unti kong tinanggal yung kumot na nakabalot sakin at.. Hindi nga ako nagkakamali. Siya nga.. Si Arvin Dale Rojeño.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Umupo naman siya sa isa sa upuan dito sa kwarto ko.
"Ang ganda naman ng bati mo sakin Darlene Zam Rojeño Fortalejo. Nakakaoffend." sabi niya at nakatingin lang sakin. Ako eto si clueless. Walang kaalam-alam na uuwi pala dito ang sumunod na kaclose kong pinsan na lalaki.
"Sorry naman Vin." sabi ko tsaka tumayo na sa higaan ko. Nagslipper ako at dumiretsong banyo. Magttoothbrush at hilamos na ako.
Nang matapos akong magtootbrush at maghilamos, lumabas na ako ng cr. Pagpasok ko ng kwarto ko, wala na si Arvin. Vin kasi ang tawag ko sa kanya. Magkaage lang kami. Cousin ko siya sa mommy ko at siya ang sumunod na pinakaclose kong pinsan na lalaki. 1st si Kuya Jason then 2nd siya.
Bumaba na ako para kumain. Naisip isip ko lang na baka nagtampo si Vin. Nako! Yari ako dun.
Pagkarating kong sala, walang katao-tao. Hmm.. Nasaan ang mga tao dito?!
Pumunta akong terrace para tignan kung nandun ba si papa. Pero wala. Hala. Naglakwatsa ba silang lahat kasama ang mga.kasambahay dito?!
Dumiretso akong kwarto ni Kuya Dwight. Nung pinihit ko yung doorknob, hindi nakalock! Aba. First time atang hindi maglock ni Kuya. Pagpasok ko, wala rin. Ano ba talagang trip nila? Bahala na nga.
Dahil sa gusto ko na mag-umagahan at nagugutom na rin ako, didiretso na lang akong kusina. Bahala sila dyan kung nagtatago ba sila. Basta ako, KAKAIN AKO! Hahahaha.
Pagkarating kong kitchen, ganun pa rin! Walang katao-tao. Masyado naman akong lonely kung ganon. Psh. Ewan. Bahala na.
Chineck ko yung ref kung may pagkain ba pero walang kalaman-laman! Ano ba naman 'tong bahay.na 'to?! Wala na ngang tao wala pang pagkain? Klase yan. Badtrip ha!! Makasagap na nga lang ng hangin. Psh.
Pumunta akong garden para magpahangin. Pagkarating ko..
"ADVANCE HAPPY BIRTHDAY DARLENE ZAM!!!"
Nagulat naman ako sa ginawa nila. Maya-maya bigla na lang pumatak ang luha ko. Tears of joy. Paano ba naman kasi medyo kumpleto sila. Paano pa kaya kung buo na? Edi ang dami.
Kaya pala nagsipag-uwian ang mga pinsan ko. Ngayon ko lang naalala na malapit na pala akong magbirthday. Hays.
Nandito si papa, Kuya Dwight, Vin, Kuya Jason, Tita Ester, Ate Myleen, Ate Tin-tin, Ate Jareen, Gem, Tita Marie, Jessica, Ate Gracell, Tita Dela, Ate Jhen, Kuya Xander, May-may, Ate Bebe at Ate Ellaine. Diba ang dami? Wala pa sa kalahati 'yan! Wala pa ang mga tito's ko, ninang at ninong. Mga cousins pa. Haha. Ang dami kaya naming magpipinsan.Pero teka.. May napapansin akong babae sa likod ni Vin e. Lumapit ako at winagayway ko yung kamay ko kay Vin na sign na umalis siya kasi parang dadaan ako ganun! Gumilid naman siya. At nakita kong ang babae pala ay si.. MONICA?! What is she doing here?
BINABASA MO ANG
Ang Suplado kong Crush
HumorIm just a simple girl have a good ambition. But suddenly, I have a crush. Actually he is myclassmate. Sobrang gwapo niya. Sa sobrang gwapo niya nga eh naging King siya ng school namin. Pero I don't know, napakasuplado at sungit niyang tao! Ewan ko k...