Chapter 2

358 49 1
                                    

[2]

Dianhell

"That bastard!" Binato ko ang hawak na tinidor sa TV at nagkaroon ng crack sa screen dahil sa impact. Bumibilis ang tibok ng puso ko sa nararamdamang galit. "How... How the fuck did he know?!"

Nilingon ko si Khian na kinakalikot na ang phone niya. "Someone sold us out. I'm going to alert Omega. Mas mabuti siguro kung ika-cancel muna natin ang mga naka-schedule na transaction sa susunod na mga araw."

"But..." Kung gagawin ko iyon, malaking porsyento ang mawawala sa akin. "Hindi ba pwedeng ibahin na lang ang location? O kaya mag-resched? I can't just drop the deals—"

"Boss, your identity has just been declared on national television. We have to clean up as soon as possible." Tumayo na siya mula sa hapagkainan at naglakad palabas. "Pupunta ako sa headquarters para magbigay ng instructions sa Omega."

"Devine! Ano ba, nagsasalita pa ako!"

Humarap siya sa akin at pinakita ang laging seryosong itsura. "You're just panicking, boss. Let me handle this." At nawala na siya sa paningin ko.

Napabuga na lang ako ng hangin at umupo ulit. "Ganiyan. Diyan siya magaling sa pangunguna sa akin. Hindi na nahiya. Sino ba ang tinatawag niyang boss? Ako o ang sarili niya?"

Kinapa ko ang dibdib nang unti-unting naging normal ang paggalaw ng puso ko. Napailing ako. As usual, si Khian ang nagpapawala ng stress ko sa tuwing may nasisira sa mga plano. Paano niya nagagawa iyon?

"Madam? May ipaguutos po ba kayo?"

Tinignan ko ang plato naming dalawa at ang pintuan kung saan siya lumabas kanina. Kahit naman hindi halata sa mukha, alam kong nagpa-panic siya tulad ko. Natumba rin kasi ang upuan pagtayo niya mula rito.

He's such a klutz sometimes.

"Padalhan mo siya ng pagkain. Damihan mo ang gulay. Samahan mo ng siling labuyo." Sili ang magdadala ng paghihiganti ko ngayon. Ang lakas ng loob niyang mag-walk out sa akin.

Ngumiti ang katulong. "Masusunod po, Madam."

Anong nginingiti-ngiti niya riyan?

***

Tinignan kong maigi ang mga malalaking bloke na naglalaman ng mga produkto. Patong-patong ang mga ito sa pangpito at huling storage room. Sinenyasan ko na ang isang trabahador para isara ang steel door.

"They're not going to be expiring soon so they should be okay in here for a couple of weeks."

Tinanguan ko si Stephen, ang adviser ko pagdating sa pag-ungkat ng mga illegal na droga. Matagal na siyang nagtatrabaho sa akin at ilan lang siya sa mga pinagkakatiwalaan ko. "I'm afraid it might take months. But we'll see. Ayoko rin namang bumagsak ang pinaghirapan ko nang ganoon kadali."

Sa underground bunker ng mansyon ko nakatayo itong malaking drug manufacturing facility. Ang mga ginagamit naming resources ay binibili pa sa iba't-ibang mayayamang bansa para masigurado ang matataas na kalidad ng produkto.

My drugs don't just bring harm to a person's body when they exceed the average dose. They also affect various parts of the body that will be either temporary or for life.

Hindi ako isang scientist. May sarili akong grupo ng mga taong bihasa sa field na iyon at ang tanging trabaho ko lang ay ibenta iyon sa mga may gusto.

Sinong scientist ba naman ang hindi maeengganyong magtrabaho sa akin kung malaki ang makukuha nila? All these workers need money for their own families. Pasalamat pa sila dahil useful ang illegal nilang ambisyon sa akin.

War GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon