Chapter 24

125 32 0
                                    

[24]

Dianhell

Sinilip ko ang dumadaang mga sasakyan ng Spade sa main street ng La Cordova. Though, hindi na ito mukhang street dahil puro halaman na ito at ang paligid ay may mga nagtataasang puno. It's like we went back to the time of the dinosaurs.

"The port's that way… I think." bulong ni Levi na kasama naming nakasandal sa gilid ng military truck na napapalibutan ng vines. Nakaturo siya sa isang pahabang gusali na halos hindi na kita ang bubong. "That's gonna be our exit."

"Can someone explain to me what the hell happened back there?" tanong ko na ikinalingon nilang tatlo. "Nasa gitna tayo ng labanan tapos biglang aalis na tayo? Saan ba tayo pupunta kasi?"

Tinignan ni Hyatt si Khian na nagkibit-balikat lang. Okay. Edi sila na ang nagkakaintindihan.

"Hindi ka kasi nakikinig maigi." inis na sabi ni Levi na parang kumakausap ng batang paslit. "Hyatt found the origin of that fairy book and it led to a remote place in Macau. Pupunta tayo doon at baka sakaling nandoon din ang orphanage na pinanggalingan ni Lyra. Then if possible, we'll find her there too."

Right. Tapos na ang top priorities na itinayo namin nila Xyriel. Ngayon, ang kailangan na lang naming gawin ay hanapin ang isa pang superhuman na nagngangalang Lyra. Marami pang kagaya namin ang nagkalat sa buong mundo pero hangga't may kilalang makakatulong sa giyerang ito, gagawin namin ang lahat para papuntahin iyon sa panig namin.

"Let's go."

Sabay kaming apat na lumabas sa pinagtataguan at kumaripas ng takbo papunta sa target naming building. Sa gilid nito kami dumaan at muntik na akong matigilan sa nakita.

The fishing port is nowhere to be found. Puro puno na lang ang nakikita at speedboats na napapalibutan ng vines. Mistulang swamp na ang parteng ito.

What have I done?

"Sumobra ka lang ng kaunti." pagpapagaan ni Hyatt sa akin. "Don't worry. No civilians were harmed."

Inaamin kong hindi pa totally in control ang katawan ko sa pagbabagong ito. Hell, who would have? Ikaw kaya mabiyayaan ng kakaibang kapangyarihan masasanay ka kaagad nang ganoon kadali? Nagagawa ko ang gusto kong gawin pero sumosobra kapag nilalabas na ng power ko. Tulad nitong forest. Hindi dapat ito ganoon kalawak at katindi.

And it's all because Khian just had to propose at a time like this. I was so turned on and I couldn't do anything but release my overpowering love for nature. Ayan tuloy, nagkaroon ng kagubatan. Tss.

Speaking of the devil, magkahawak-kamay kami at hila niya ako dahil mabagal akong tumakbo. Pumunta kami sa dulo ng dock.

Humarap sa amin si Levi. "Okay. I'm going to transform so we can get there as soon as possible. Sasama kayong lahat?"

"What form exactly?" Because I just received a report from the Philippines that they saw a dragon spitting out lava and dark ice all over the cities.

Ngumiti siya. "You'll see." Hinawakan niya ang laylayan ng shirt at nagsimulang maghubad.

Napasinghap ako at automatic na tumaas ang kamay para takpan ang mga mata ni Khian sa tabi ko.

Natawa naman siya at dahan-dahang binaba ang kamay ko. Magrereklamo na sana ako pero nakalingon lang siya sa akin. "I wouldn't dare look anyway."

Pinatagal ko ang paniningkit ng mga mata sa kanya. "Talaga lang ha."

Pinatagal din niya ang pagkakatitig sa akin at humarap pa para nasa akin talaga ang atensyon niya. Sinalit-salit ko ang tingin sa mga mata niya at napangiti ako nang hindi talaga siya natitinag.

War GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon