Chapter 7

170 42 0
                                    

[7]

Dianhell

Present time

"If there's anything else, feel free to contact me. Or you can call for the security. Nasa brochure ang hotline number nila."

"Okay. I'll take note of that, Yv." Sinundan ko siya pabalik sa may main door. "Babalik ka ulit sa office?"

Lumingon siya at matik akong napangiti nang masilayan muli ang mukha niya. It's not every day that I get to see him so might as well memorize his features when I do.

Yvian lets out a charm that is incomparable to anyone I've known. Napapansin ko iyon sa mga babaeng malapit sa kaniya na tinatapunan siya ng tingin. Iyon ang tingin na parang nakakita sila ng Greek god at nagliliwanag ang nilalakaran niya.

"Yeah. May mga naiwan pa akong gawain sa office. Gusto ko lang siguruhin na makakahanap kayo ng maayos na lilipatan ng asawa mo." He was too diligent at work. It's probably the reason why he's respected by his people at the company. "Where is he, by the way?"

I smiled. "He's upstairs, checking out the doors and windows. He's very cautious about those things." Totoo naman iyon dahil sigurado akong naglalagay na siya ng security devices sa mga iyon.

"I see. That's good." He returned my smile and walked outside the house. I stopped at the doorway. "Well, I need to go before the rush hour. Saves me from heavy traffic and gasoline. Have a good day, Diana."

"You too, Yv. And thank you so much."

Sumaludo siya at binuksan ang pinto ng sasakyan niya na nasa garahe. Pinanood ko muna ang sasakyan niya hanggang sa mawala ito sa paningin ko saka pumasok sa loob ng bagong biling bahay.

Tinignan ko ang sala sa kanan, ang kalahating divider papunta sa kainan at divider ulit para sa kusina. Sa first floor ng bahay ay makikita na ang lahat mula sa kinatatayuan dahil walang mga pinto. Tanging maliliit na pader lang at arko ang pagitan. Ito ang gusto ko sa isang bahay. Nakakatamad kasing magbukas-sara ng pinto, tapos mamomroblema pa sa susi. Okay na ang pinto sa harap at likod ng bahay, pati sa mga kwarto.

"First time. Buying my own house." sabi ko sa sarili.

"And first time," nilingon ko si Khian na nanggaling sa kusina. "Living within a subdivision. Hindi ka kaya manibago sa mga kapitbahay?"

"Oh, please. Wala naman akong oras para kausapin sila." Tinignan ko ang suot niya na printed navy shirt at maong shorts. Nilabas niya rin ang susi ng sasakyan. "Saan ka pupunta?"

"This house already has everything except food. May nakita akong grocery store sa kanto. Doon ako bibili."

"I'll come with you."

"No. You stay here."

Natigilan ako at pinanood siyang maglakad papunta sa pintuan. Pinagkrus ko ang mga kamay ko sa dibdib at tinignan siyang maigi. "You're really challenging me these days, Devine. Bibili lang ng pagkain ayaw mo pang magpasama. Paano kung maligaw ka? You're clueless with directions as I am."

"I have a car. It's easy to look around." Nilingon niya ako at ngumisi nang nakakaasar. "And yeah, bibili lang ako ng pagkain. Bakit gusto mo pang sumama?"

"Duh? What do you expect me to do here alone?" I can't believe him! Sabi siya nang sabi na hindi ako iiwan mag-isa. Ganito ba ang gagawin niya habang kami lang dalawa magkasama? Alis siya nang alis?

Napa-tsk siya at naglakad palapit sa akin. "I expect you to unpack all our bags and take a bath. Your room's on the right side." Napapikit ako nang ipatong niya ang kamay sa tuktok ng ulo ko. "Be a good housewife until me, your husband, comes back. Okay?"

War GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon