Chapter 17

140 40 0
                                    

[17]

Dianhell

"This is definitely not like what happened in Marawi City." sabi ko habang nakatulala sa tila umuusok na probinsya ng Palarma dito sa Sicily.

"My mistake," tulala ding sabi ni Khian sa tabi ko.

Wala pa kami sa daungan ng Maria Vergen ay kitang-kita na namin ang sira-sirang bangka ng mga mangingisda at kalapit na establishments. Mayroon pang mga nagtatakbuhan na kabataan sa isang parte at bawat isa sa kanila ay may hawak na slingshot.

Pansin ko na kanina na may mali sa pagpunta namin. Mistulang walang alam ang mga tao sa norte sa nangyayari sa Sicily kaya tuloy pa rin ang transportasyon. Pero nang mapunta na sa gitna ng dagat ang mga ferry galing Naples, nag-U-turn sila pabalik.

"Satellite towers are gone." sabi ko. "Iyon ang dahilan kung bakit hindi nila alam ang nangyayari dito. Malalaman mo lang kapag nakalapit ka na."

"I think we should turn back, boss." Hinawakan ni Khian ang braso ko. "Hindi magtatagal ay dadating na rito ang pulisya. They're going to isolate the whole region."

"No," tanggi ko. "We'll use that chance to get in and find the headquarters. At mas kaya nating dumaan sa gitna ng gulo kaysa sa kanila."

I stood and held his gaze when he was about to argue. Sa huli ay ibinaba na lang niya ang hawak sa akin at sandaling inipit ang kamay ko bago ito bitawan.

"I'm always behind your back."

"I'll do everything to stay alive. So should you." Tumango lang siya. Hinanda na namin ang tig-isang baril para magamit kung sakaling may makasalubong kaming kalaban.

Okay, Dian. You only have a few goals for today. Go to the headquarters, retrieve the Rhaxton documents, find the book, get some real answers about my past.

I exhaled loudly. Nothing really is as easy as it sounds.

"Let's go."

Pinabalik ko na sa safe zone ang ginamit naming yate na minamaneho ng isang Omega agent papunta rito. Regalo sa akin ito ni lolo at pinangalanan kong Goddess. Ito rin ang gagamitin naming escape vehicle kung sakaling magkaroon ng malalang emergency.

I've seen war zones in movies at totoo nga na napakaingay at gulo ng paligid. Kahit saan tumingin ay may mga nagpapasabog ng bomba at rumaratrat ng armas.

Those innocent people who are running for survival have both their hands covering their heads. Sumisigaw sila ng tulong. Ang iba, umiiyak na lang sa sulok ng mga alley. The market people left their goods scattered on the floor, thinking of their safety first before their business.

May mga nakasalubong kami na armadong lalaki pero hindi na sila nakakapalag kapag ginamit ko na ang dalawang daggers ko. I'm in charge of close combat, as always.

Si Khian naman ay ini-eliminate na ang mga kalaban bago pa ito makalapit sa amin. Malinaw ang paningin niya kaya kahit mga sniper pa iyan na magaling magtago ay nasisilip niya at napapaputukan.

These guys look like rogue soldiers. Ang mga damit nila ay camouflage pero tastas ang mga nametag. Alam nila ang basic moves para i-disarm ako pero hindi iyon sapat para sa akin. This one guy is not that different.

Nagawa kong isilid sa ilalim ang isang kutsilyo ko nang mag-lock ang mga kamay namin sa ibabaw. Hiniwa ko ang tagiliran niya at tumalsik pa sa kamay ko ang malapot na dugo. Napaatras ang lalaki at kinuha ko ang pagkakataong iyon para suntukin siya sa panga at umikot para sipain siya palayo. Two more guys came at me after that.

Umilag muna ako sa unang atake at inobserbahan ang kilos nila. Pagkatapos ay pinaulanan ko ng jabs ang isa na parang hindi makapaghintay na patayin ko. Doon naman sa isa pa na tinulak ko ay kinuha ang baril ng isa sa mga pinatumba ko at tinutok sa akin.

War GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon