Chapter 29 - End

310 33 1
                                    

[29] - End

Dianhell

"Aw, fuck!"

Inirapan ko si Khian na nagmura kahit kakalabas pa lang namin sa simbahan. Nagsimula nang umandar ang limo palayo doon para dalhin kami sa honeymoon naming mag-asawa.

Tama. Wala nang reception.

Bakit pa kami mag-aasikaso ng gano'n kung halos lahat ng tao eh bumabangon pa lang mula sa nangyaring digmaan? At kaming dalawa mismo ni Khian ay walang budget kundi para lang sa suot namin, sa singsing at sa bulaklak.

Besides, we both know a grandiose event isn't necessary. Ang mahalaga, ikasal kami sa harap ng nakatataas at pagpalain ang relasyon naming dalawa.

Also, we're criminals. Who would go for the wedding of two highly wanted criminals? Only the priest. He made us confess our sins before blessing our marriage.

And that takes me to my one and only nemesis, Lexis Rosario. Too bad he didn't die. Joke.

Days after the Grand Wipeout that Lyra and I did, Lexis came to me to make sure that I'm not dead yet. At nang malaman niya kung paano ko nailigtas ang buong mundo, including him, he decided to call it quits.

What does it mean, you ask? I am officially not going to jail!

Dahil kung ikukulong niya ako, kayang-kaya kong pakawalan ang sarili ko at baka idamay ko pa ang ibang inmates. Biro lang naman iyon pero nasindak na agad siya.

But in exchange for my freedom, binigay ko sa kanya ang susi ng Rhaxton Manor. Doon ay magpapakasawa siya kakabilang ng mga ilegal na droga na nakatago doon. Bahala sila mag-convert kung magkano iyon. Wala na akong paki.

No one could ever defy me now.

Except for this guy na wagas makadikit sa akin kaya kinagat ko sa tainga.

"Mahiya ka nga, Devine. Kakagaling lang natin sa simbahan."

"I just like keeping you close." Muli na naman niya akong niyakap. Sarado naman ang mini window mula sa driver's seat kaya walang ibang nakakakita sa amin.

Pero naiinitan ako kaya pilit kong nilalayo si Devine. "Ano ba? Kita mong ang kapal ng suot ko. Mainit!"

"Then remove it."

"Hilo ka ba?"

Hindi niya ako sinagot at hinigpitan pa lalo ang yakap. "You know those countless nights when you and I slept together? This is what you always do to me."

Natikom ang bibig ko dahil doon. Hello? How would I know that kung tulog ako? Tss.

Nabigla naman ako nang ibaba niya ang mukha at halikan ako sa labi at ipahiga ako sa limo. I felt his tongue work its way into my mouth and his hands slowly unbuttoned my dress at the back.

This man is insane! Freaking insane... and I can't help but love him anyways.

Eventually, nakarating na kami sa airport nang casual na ang bihis at sobrang namumula ang tainga ni Khian. Leche siya. Mag-make out ba naman sa sasakyan? Pinarusahan ko nga.

The airport is still not fully operational after the war. Gumuho ang Station 2 at 3 kaya wala munang scheduled flights ngayon. Tumigil ang limo sa gilid ng runway kung nasaan ang Goddess, our very own jetplane.

Correction. A jetplane that was a gift from lolo. And he's here to bid us farewell.

"My hermit," niyakap niya ako nang mahigpit at tinignan kaming dalawa ni Khian. "Congratulations. I couldn't have been more proud for you both. Saving the world is tiring but, it seems easier if you have inhuman powers."

War GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon