Chapter 11

173 42 0
                                    

[11]

Dianhell

Uncover my parents' secret. Find the truth about my mysterious powers. Fly to Italy and seek help from the Italian mafia. Stop the war.

How the hell are we going to accomplish all of that in just a short time?

Lolo is anxious because of Demon Spade gathering so many anti-Zion members and attacking us one by one. Siya ang inuna ng Shadow Knights na silang nagpasabog sa Cephyr Castle. Who knows, baka ako na ang susunod o kahit sino sa dalawa kong pinsan.

Nakatanggap na rin kami ng reports kung saan isa-isang pinapatay ang nation leaders nang walang visible pattern kung sino ang isusunod nila. Pati sa underground world ay nagkakagulo na.

I, or we, must stop them before it's too late.

At para magawa iyon, kailangan kong gamitin ang supposedly "powers" ko para makuha ang tiwala ng Italian mafia at tulungan kaming pabagsakin ang Spade. Kapag nasa side na namin ang oldest mafia families, madali na lang din naming mahihingan ng tulong ang iba pang malalaking organisasyon sa buong mundo. Like the American mafia, Japanese yakuza, and even the Russian warlords.

Ipapakita namin sa lintik na grupong iyon na hinding-hindi nila kaya hawakan at kontrolin ang mundo.

"But still," I hopelessly whined to myself. "How are we going to do all of that?"

"You can start by packing your bags and getting a flight to Sicily, dearest cousin."

Mula sa nakapikit na pagkakatingala ay binaba ko ang masamang tingin sa aking napakatalinong pinsan na si Xyriel. "Great. You really have the greatest common sense among the three of us, Xy. You deserve a fucking award for that."

Inirapan niya lang ako saka tinuloy ang pagkain ng sopas na hinanda ni lola para sa amin. Nandito kaming tatlong magpipinsan sa hapagkainan at syempre, ang tatlong head guards namin na nakapwesto sa bawat sulok. Iniwan namin si lolo at lola sa kwarto sa taas dahil kailangan daw nilang mag-usap.

Lumunok muna si Max bago magsalita. "Try to achieve the top priority. If lolo gave this important task to you, we need to know more about this secret and your powers. He believes that you can use them to gain alliance, right?"

"Oo, pero—" Huminga ako nang malalim at sumandal sa upuan. "How am I actually going to do that? Alangan namang pumunta ako sa dati naming bahay nang gano'n lang. We all know that it was burned to ashes years ago. Tapos may nagtayo na doon ng bagong bahay. Wala akong makikita doon. Except..."

Sabay silang napatingala sa akin at hininto ang pagsubo sa kutsara nila. Pinatong ko ang magkabilang siko sa table at pinagtapat ang mga palad sa isa't-isa.

I now remember that confusing dream last time. Ang malakas at galit na boses ni mom at ang pagsigaw ko dahil nasaktan ako sa hawak niya. Malabo ang paligid sa panaginip ko pero nanatili ang bagay na iyon na parang hindi ko ito dapat makalimutan.

"The book." wala sa sariling saad ko.

"What book?"

"Probably some fairytale book she had when we were little."

"Yes. Exactly!" sagot ko sa sinabi ni Xy na ikinagulat niya at ikinalito ni Max. "Hindi ko masyadong matandaan ang mga nakasulat doon pero alam kong mahalaga iyon. I had this dream where mom didn't want me to read into it any further. Sigurado na ako. May kinalaman ang book na iyon sa sikreto nila."

"So, what do you remember about this book?" tanong ni Max. "And in a dream? You don't know if it really happened?"

"No. Nakakalimutan ko na ang mga nangyari sa akin no'ng bata pa ako."

War GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon