2-After so long

31 0 0
                                    

Last friday pa nakareceive na ako ng memo tungkol sa meeting. Sinabihan na din ako ng  principal namin at dito nga sa school gaganapin ang meeting. Aalis kami bukas patungo ng Baguio para sa National Science Quest.

Mga coaches at teacher participants ang magmimeeting. Pag-uusapan ang pagpunta sa venue ng quest.

Hindi kami pinalad sa mga academic competition. Workbook writing lang ang napanalunan ng school. Sinuwerte na I bagged the 1st place sa Science kaya ako ang teacher participant.

Pagkatapos ng flag ceremony binigyan ko lang ng reminder ang aking student teacher na siyang papalit sa akin sa loob ng isang linggo. Nagsimula ng magdatingan ang mga kasama sa team. Isa si sir Daniel head ng isang karatig school. Nanalo ang kanilang school sa investigatory project. Ako na lang siguro ang hinihintay kaya pumunta na ako sa conference room.

Pagkakita sa akin ni Daniel ay tinapik niya ang upuan sa kanyang tabi. Ipinapakita niya sa lahat na may understanding na kami. Bagay na napansin ng mga naroroon kaya inulan ako ng tukso.

"Ehem matutuloy na yata ang long table pagkatapos ng quest," biro ni Maam Vicky ang principal ko na nakaupo sa kanan ni sir Daniel.

Ang mga ibang coaches, mga school heads, MTs ay nasa harapan nila. Isang mahabang table ang nasa pagitan. Umupo ako sa tabi ni mam Glenda, Master Teacher sa AES.

"Hala, talaga Ma'am Glen?," salo ko. "Dumating na ba si kuya Jhun?" Si kuya Jhun ay ang boyfriend ni mam Glen na nasa abroad.

"Sir dito na lang ako sa tabi ni ma'am Glen,"dugtong ko pa. "Aambos ako ng maraming chocolates. Confirmed! Amoy Irish spring siya. Ibig sabihin andyan na si kuya Jhun."Tawanan ang lahat dahil inamoy ko kunwari ang hangin malapit sa guro.

Tinignan lang ako ni Daniel. Iyun ang gusto niyang itawag ko sa kanya. Sa isip ko yun ang ginagamit kong pantawag sa kanya pero ewan ko kung bakit sa usapan gaya nito ay laging nakadikit ang sir sa pangalan niya.

Naalangan ako dahil principal siya at parang disrespect kung wala ang sir. Hindi rin lingid sa lahat na nanliligaw ito sa akin.

"Bakit biglang sa akin nagback fire?"ganti ni mam Glen. "Pustahan tayo mauuna pa kayo ni sir Daniel. Di ba sir?"

"Matagal ng ready ang groom" may bahid ng kaseryosohan ang sagot ni Daniel. "Ang bride na lang ang kulang."

"Eh sir," follow up ni mam Jen coach sa IP ng isa pang school sa district namin. "Dagdagan mo pa ng chocolates. Weakness yan ni Miss G." Yun ang tawag sa akin ng lahat.

"Blood sugar lang yata ang napapataas ko kay Miss G hindi ang heart beat niya." Parinig ulit ni sir Daniel.

"Di mo ba alam sir? Pag mataas ang blood sugar high din ang heart rate. Ayihhhh," tukso ulit ni mam Jen.

"Tama na nga kayo," sansala ni mam Vicky. "Mabibigla na lang tayo. Masekreto ang dalawang ito eh."

Nakikitawa na lang ako. Sinulyapan ako ni sir Daniel. Sulyap na pinahihiwatig na hindi sila nagkakamali. Hinayaan ko na lang iyun. Tama may sekreto nga kami ngunit taliwas sa kanilang hinala.

Naging seryoso na ang aming usapan pagkatapos noon. Buti naman at nawala na sa akin ang atensyon ng lahat.

Matapos ang dalawang oras na adjourn na ang meeting. Finalized na lahat ang aming pag-alis bukas.

Unang lumabas ang mga heads bukod kay sir Daniel. Sumunod ang mga teacher coaches at teacher participants. Nagpaiwan si sir Daniel. Binilisan ko ang pagturn off ng air con para makasunod na rin sa mga lumabas.

Wala pa ring reaction. Nagpunta na ako kung saan ang mga switches ay malapit sa pintuan para ipahiwatig na lalabas na ako.

Nakuha naman niya ang ibig kong mangyari. Pinakahuli akong lumabas. Nasa hallway pa ang mga kasama ko at may katawagan sa kani kanilang phone.

"Sir Daniel for a while raw po sabi ni mam P" narinig kong sabi ng ADAS namin.

Saglit na lumapit sa akin si sir Daniel at binulong na "Can I talk to you pagkatapos kong makausap si mareng violy?"

Biglang kabog ng dibdib ko.Tumango lang ako. Inis ako sa ginagawi ni sir Daniel pero hindi dahilan yun para kumabog ng husto ang puso ko.

Parang may naka tingin. Itinuon ko ang mga mata ko sa may gate. Tumindi ang tibok ng puso ko.

Ramon. Shock!

Nakasilong sa may puno ng caimito. Hawak sa kamay ang isang batang kinder. I felt an enormous sadness!

Anak yun ni Lea kapatid ni Ramon. Whew, hindi sa kanya. Narelieve ako na hindi niya anak ang akay akay.

Nandito na siya?! Since when? Hindi ako ang una niyang pinuntahan! Anger overwhelmed me.

"Miss G tawag din po kayo ni mam P" narinig ko mula sa pintuan ng office ng aming principal.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hinawakan ako sa siko ni sir Daniel. Bago ako sumunod lumingon muli ako sa kinaroroonan ni Ramon.

Si Ramon nga. After so long.
--------------------------------------
Please vote or comment!
Thanks...

You and Me (We wanted it all)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon