3 - "So you really are here?"

24 0 0
                                    

(Ramon)
Hindi mawala sa isip ko si Alyanna. Para akong teenager na hindi malaman kung ano ang gagawin pagkakita sa crush.

Tatawagan ko ba siya? Text kaya? Nasa phonebook ko naman ang mobile number niya.

Puntahan ko kaya siya sa school ulit?Susunduin at ihahatid sa kanila. Bakit sa kanila? Sa tramo pwede naman di ba?

I am jealous sa tuwing maiisip ko ang intimacy na ininsinuate ng galaw ng lalaki kanina.

Napagalaman ko na Daniel ang pangngalan ng lalaki. Isang principal sa karatig school. Biyudo at may isang anak na babae na kasing gulang ni Yunice.

May relasyon na ba sila? Sabi ng guard matagal ng nanliligaw ang biyudo. Kanina ay magkasabay daw silang dumating. Bukas ay sila rin ang magkasama sa isang competition sa Baguio.

Kilala si Alyanna ng guard na nakapagkwentuhan ko kanina. She recently passed the NQUEST. Mula sa pagiging Master Teacher pwede na siyang maging principal.

Bali- balita na nagdadalawang isip ito kung hahawak ng school o mananatili bilang guro.

Nagpupuyos ang damdamin ko. Madali lang sumaglit sana sa classroom  ni Alyanna kanina. Kung hindi lang against school policy ang gumagala ang mga outsiders sa loob.

At hindi iyun ang tamang panahon at paraan.

Hindi ko na maipapagsabado pa ang balak na pagpunta kina Alyanna.

                              ******
(Alyanna)
Isang katok sa bukas na pinto ang kumuha ng aking atensyon. Katatapos ko lang ligpitin at inilagay sa bag ang printer at laptop na dadalhin ko rin bukas.

"Miss G," tawag ng isa sa mga advisees ko. "May naghahanap po sa inyo."

Saglit na napahinto ang pagaayos ko ng mga gamit ng makita ko kung sino. Huminto yata ang pagikot ng mundo. Mga mata namin ay nagtama.

Ramon!

Akala ko nga ay hallucination lang ang eksena kaninang umaga dahil sa kagustuhan kong magka closure na ang chapter na iyun ng buhay ko my imagination played tricks on me.

Nang pinatawag ako ni madam kaninang umaga hindi ko maiwasan na sumilip sa bintana ng office nito upang iconfirm na si Ramon nga ang nakita ko.

Siya nga. Kausap ang school guard.

Ang saya ko. Ngunit napalitan ng lungkot ng hindi man lang niya ako pinuntahan.

At ngayon narito siya ulit. Kanina I dared fate na pabalikin niya ito kung kami pa nga ni Ramon. Na hindi dapat niya palampasin ang araw na ito na hindi ako puntahan ulit.

And actually I prayed for this to happen. 

Now He's here again.

1 point for tadhana.

1 point for answered prayer.

" Thank you Girlie." Itinuon ko ang pansin sa pupil.

"Ok po. See you on Monday Miss G"

Tumango ako. "Tell everyone to be good."

"I will po. Bye Miss G. Bye sir" At umalis na ang bata. Pinagpatuloy ko ang pagliligpit sa mga documents habang naglakad na papasok sa silid si Ramon.

Bakit ba ang lakas ng pintig ng puso ko?

"Good afternoon Miss G,"panggagaya niya. Parang studyante lang na bumati. May ngiting kumawala sa kanyang labi as he feasted his eyes on me.

Sa uniform na old rose ano na ba hitsura ko? Hindi ko na nasilip kung ano na ayos ko dahil sa mga ginagawa. Naconscious tuloy ako.

Tahimik lang akong liniligpit ang gamit. Nakasimangot. I promised myself hindi ako ang magsisimula sa magiging takbo ng pag-uusap namin kung sakali man.

Although ang daming gustong kumawalang tanong mula sa akin the moment he entered the room.

"I texted you" sabi niya.

Tumaas ang kilay ko. So? Ito ang ibig sabihin ng gesture ko.

Narinig ko ngang nagalert ang fone ko kanina. Naka charge ito malayo sa akin hindi na ako tumayo para tignan ito.

Kung nangangailangan ng agarang response ang sender tatawag naman ito.

Naging cue yun para kunin ko ang phone. May text nga from an unknown number at isa from Daniel.

Unknown number
Still at school?
Nasa labas ako.
Susunduin kita
          -Ram

So alam pala niya ang number ko.

Daniel
See you at 5?

3 pm palang. Nagreply ako na may pupuntahan pa.

Dumako ako sa unahang pintuan para ilock na iyun sa loob. Pagkatapos ay isinara ang mga jalousy windows. Excuse ako to go home early sa araw na ito dahil sa event na aatendan ko bukas.

"Uuwi ka na?"

"Hindi pa." Supladang sagot ko.

"May susundo sa iyo?" Matigas ang boses na tanong niya.Nagalert ang phone ko kasabay ng pagkasabi niya. "Sabihin mo no chance nandito na ko."

Nandito na siya o nandito na siya ngayon?

Isang matalim na tingin ang ipinukol ko sa kanya at tsaka umismid.

Ang yabang!

Gustong gusto ko ng magsalita. Punong puno na ang dibdib ko. Nagpipigil sa maaaring masakit na salitang pwede kong masabi.

Padabog  kong kinuha ang shoulder bag ko. Hindi ko pa man naiaangat ang dalawang pang bag ay kinuha na niya ang mga ito.

"Let me." His hand touched mine. Parang sa mga drama sa TV.Our eyes met again.Bigla kong nabitawan ang mga bag sabay atras dahil sa kuryenteng dumaloy sa aking sistema.

He must have felt the same kung ang pagigting ng mga bagang niya ang pagbabatayan.

Kinuha rin niya ang padlock na nasa mesa.

"M-may p-pupuntahan  pa a-ako" I am stammering. The wall of indifference I surrounded myself with ay unti unting gumuguho.

"Sasamahan kita."

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Saglit akong umupo sa isang monoblock upang kumuha ng lakas.

Hindi ko alam kung ano ang dumaraan sa isip niya. Tahimik lang siyang nakatayo malapit sa kinauupuan ko.

"So you really are here?"
------------------------
Please vote or comment!
Message me if you have read this far...
Thanks :)

You and Me (We wanted it all)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon