12- In love again

9 0 0
                                    

Ginising ako ng tunog ng isang tawag. Pikit pa ang mata ko ng sagutin ko ito.

"Morning Miss G," bati ng boses sa kabilang linya.

Hindi ko na kailangang tignan kung sino ang tumatawag.

"Morning,"sagot ko.Napangiti ako. So hindi panaginip ang lahat. "Aga mo ah. Natulog ka ba?"

Madaling araw na lang yata ako nakatulog. Na low bat na lang ang phone na ibinigay niya kaya sa dating phone siya ngayon tumatawag. Ewan ko kung anong oras na  siya natulog. Ayaw niyang ipa-turn off ang phone kahit inaantok na ako.

"Natulog naman. Katabi kita eh"

"Huh! Baka may ibang katabi ka dyan ha." Nangingiting bumangon na ako para makapagready. Need to be at the meeting place before six.

"Turn on the video. Para makita mo.I want to see you as well."

"Magre-ready na ako," tanggi ko. Kagabi pa siya request ng request. Ako naman si overwhelmed grant ng grant.

"Please..," he coaxed."Bago ka manuklay and everything."

"Yun na nga eh. I look a mess."

"I'll be the judge. Please"

How can you deny that voice. Tinurn on ko ang video mode. He was already in his car ready to go. Nakangisi siyang pinagmamasdan ako. Ipinatong ko kasi sa stand ang phone habang nagliligpit ng pinaghigaan. He has a full view of me in pajamas.

Naconscious ako kaya ibinuhol ko ang lagpas balikat kong buhok.

"Saan ang punta mo? Madilim pa ah."

"Diyan sa inyo. Hahatid kita." Sa ganito kaaga at walang traffic in less than ten minutes nandito na siya. Nataranta ako.

"Ikaw ready na, ako hindi pa." Sabi ko sabay abot sa phone para sana icharge na ito.

"Nice view," tukso niya. Namula ako ng makitang nakahantad sa kanya ang bumabang pang itaas  ng pajama ko.

Sinimangutan ko siya sabay takip sa harap ko.

"That was not nice Ramon!"

"Oops sorry mam." sabay takip ng kamay sa mga mata pero malalaki naman ang siwang ng mga daliri.

"Hmmmp. Maliligo na ako."

"Can I join you?" tukso niya pero pumungay ang mga mata.

"Can I join mo diyan. " sabay patay sa phone kunwari inis pero walang pagsidlan ang tuwa ko.

So this is how it feels to be in love again with the same person.

Nagring ulit ang phone pero hindi ko na sinagot. Magagahol ako sa oras.

Ngunit hindi ko mapigilan ang sarili na basahin ang text na nagalert.

Ram
-I'm calling just to say I love you.

Parang teenager na niyakap ko ang phone. Dininig na ng langit ang mga dasal ko nausal ko.

I still remember how we did not want to part kagabi. Para akong nasa cloud nine. The kiss we shared kept me awake. Plus ang magdamagang video call.

Thirty minutes after lumabas na ako ng silid all set and ready.

Nandoon na si Ramon kausap ng tatang at ima habang nagkakape. Nakahain na rin ang almusal.

Tumayo siya to pull the chair for me ng makita niya ako. I felt his thumb slightly caressing my back bago siya umupo ulit.

"Alyanna, nagsabi si Ramon na mamanhikan sila pagkagaling mo sa Baguio," anang tatang niya.

Muntik na akong masamid sa paghigop sa kape.

"Kulang ba sa timpla?" maang na tanong ni Ramon. "Ako ang nagtimpla niyan."

Tinignan ko siya. Hindi ko maiwasang maconsciuos sa tinging ibinibigay ng magulang ko sa amin.

Ano ang iniisip nila? Kasusulpot lang niya kahapon at ngayon pamamanhikan na agad. I reminded myself na tangunin siya kung ano pinag-usapan nila kahapong ipinagpaalam niya ako.

Itetext ko rin si Sabel mamaya kung may narinig siya sa usapan nila.

"O-okay naman ang lasa. I m-mean mamanhikan na kayo?"

Tumango siya habang nilalagyan niya ng sinangag at itlog ang plato ko. Idadagdag pa sana niya ang longganisa pero tinapik ko ang kamay niya.

"Tama na.Ang dami naman niyan."

"Malayo ang biyahe ninyo dapat may laman ang tiyan."sabi niya.

Sinulyapan ko ang mga magulang ko and saw their amused face.

Nakalimutan ko tuloy ang tanong ko about sa pamanhikan dahil sa atensyong ibinibigay ni Ramon sa akin.

"Ikaw bakit di ka pa sumabay kumain?" tanong ko.

"Okay na muna ang kape " aniya. Nagbuhos pa siya ng tubig sa baso ko. 

"Kailan ba ang uwi mo?" tanong ni Ima.

"Huwebes po. Friday rest day po lahat ng nagpunta sa quest."

"Edi sa biyernes mo na ischedule ang pamamanhikan Ramon." suggestion ng tatang.

Nakalimutan ko nga pala ang tungkol doon. At kung mag-usap sila parang wala lang ako. Tinaon pa na nagmamadali ako.

Hindi ko na inubos ang almusal ko. Ang kape na lang ang ininom ko.

"Tapos ka na?" tanong ni Ramon ng tumayo na ako papunta sa kusina para magtoothbrush.

Naririnig ko ang usapan nila. Anong oras, sino ang mga darating.

"Ikakasal ka na ate," sabi ni Sabel na nasa kusina tinutulungan ang nanay niya.

I rolled my eyes bilang sagot dahil nakasuksok ang toothbrush sa bibig ko.

"Ihahabol siguro ang kasal ninyo bago umalis sina kuya at ate." sabi naman ni nanay Nita na magpapack ng pagkain na dadalhin ko.

"Para namang pag-kain na ihahabol na lang," sabi ko na nagmamadali ng bumalik  sa dining. Dapat on the way na kami para hindi malate.

Wala na si Ramon sa hapag kainan ng makabalik ako. Sabi ni ima dinala na raw ni Ramon sa kotse ang mga dadalhin ko.

"Alis na ko Tang, ima," sabay halik at yakap sa kanila. "Huwag masyadong magpapapagod. Mga meds inumin."

"Ikaw din. Ingatan mo ang sarili mo. Kakain ka. Huwag magpupuyat."ani ima.

"Goodluck," sabi naman ni tatang.

Gaya ng sabi ni ima ako na lang ang hinihintay ni Ramon. Nakasakay na ang mga gamit ko.

He looked good sa kanyang light gray shirt with matching fitting jeans. Hindi ako makahinga sa damdaming bumabangon sa aking pagkatao.

I'm in love again with my husband.

You and Me (We wanted it all)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon