5 - How convenient...

21 0 0
                                    

"Ready ka na ba bukas?" tanong niya.

Napatingin ako sa kanya. Kalalabas lang ng SUV sa gate ng school. My mind is still pre-occupied

"Anong meron bukas?" tanong ko.

"Yung pagpunta nyo ng Baguio" ang sabi niya. Akala ko may iba pa akong dapat paghandaan. Naglalakbay ang isip ko. I still can't get over na finally Ramon is here.

Tumango lang ako. "May gusto lang akong bilhin sa bookstore."

Medyo matraffic na sa ganoong oras dahil labasan na ng mga bata. May isa pang daan patungo sa town bookstore pero hindi kami doon dumaan.

Kinuha ni Ramon ang kanyang phone. Dahil traffic pinindot pindot nito ang gadget.

"May bookstore malapit sa pupuntahan natin. Pwedeng doon na lang? Ipinasa niya sa skin ang kanyang phone para makita ang bookstore na tinutukoy niya.

Nagkaroon ako ng idea kung saan kami tutungo.

Magalang bound kami. 30-40 minutes ang layo nito sa Arayat.

"Ipinagpaalam na kita kay Tatang at Ima" volunteer niya.

"Galing ka sa bahay? Anong sinabi mo sa kanila?"

Malamig na ang loob ng sasakyan kaya nakaramdam ng lamig ang likod ko. Nakita siguro ni Ramon ang paghaplos ko sa aking braso kaya hininaan niya ang air con.

"Sabi ko susunduin kita. Baka gabihin tayo. Wala ka bang baon na blouse?" pag-iiba niya sa usapan. "Kanina pa basa ang likod mo."

Sa pagmamadali kanina hindi ko na napalitan ang panyo na nakasapin sa likod ko. Pinalitan ko iyun ng tuyong panyo ngayon. I could sense Ramon's stare habang ginagawa iyon.

Kinuha ko ang phone ko sa bag. Itetext ko si Sabel para masabi sa mga magulang na may pupuntahan ako.

May isang text galing kay Daniel. Sabi lang nito na susunduin siya nito kinabukasan. Hindi ko na siya nireplayan muna.

" Anong oras ang alis nyo bukas?

Parang alam niya ang mensahe sa txt ah.

" Six" matigas ang tonong sagot ko.

"Ihahatid kita wait for me. Huwag ka ng pasundo kahit kanino." He ordered with finality.

"Talaga lang?" Hindi ko maiwasang maging sarcastic. Sino ba siya sa palagay niya to order me around like that?

We both know the answer to that. Nakakagalit lang na after his long absence he is making his presence felt. Parang wala lang iyung matagal na taong wala akong balita mula sa kanya.

"How convenient for you to just show up." My pent up emotion is getting the best of me.

Sinulyapan niya ako. He reached out for my left hand. Nabigla, hindi ko naiiwas. He won't let go kahit anong pilit kong makawala sa hawak niya.

"Ano ba," saway ko. Still he just won't let go.

"Madidisgrasya tayo sa ginagawa mo, " galit kong sabi.

"So stop fighting then." He pressed our entwined hands on his lap and concentrated on the road. Isang kamay na lang niya ang nasa manibela.

Nangingilid na ang luha ko dahil sa pagtitimpi. Na sesense niya iyon judging by the caressing motion of his thumb on the back of my hand.

"Anong bibilhin mo sa bookstore, " tanong niya after few minutes.

"Papel, ballpen. Letter envelop. Kung may post stamp papakyawin ko." Wala sa sarili kong sagot.

He looked at me sideways his eyebrows raised asking.

"Gift ko sa iyo. Mukhang walang ganoon sa pinuntahan mo! You didn't even bother to write" ngitngit ko.

He lifted my hand and pressed featherly kisses dito. "I'm sorry Allie. I did send few postcards to let you know"

Hindi ko namalayan na tumulo ang nangingilid na luha. Naramdaman ko na lang na basa ang gilid ng aking mga mata.

"Thank God for small favors!"

Nakarecieve nga siya ng mangilan -ilan. Akala ko sunod sunod na communication na. Pero hanggang doon lang. Ni walang return address kung saan pwedng makapagreply.

He continued pressing my hand to his shaven cheek dahil kinuyom ko ito sa inis na dapat pala akong magpasalamat sa pagpapadala niya ng postcard. Huh!

"I'm not good in writing letters," depensa niya sa apologetic na boses.

Umismid ako."Kakalungkot naman na hindi ako motivation enough para maimprove ang letter writing skills mo!"

Idinako ko sa labas at tingin ko upang mapahid ng palihim ang tumutulong luha ko. "Did it escape your knowledge na may mga bagay gaya ng telephone, internet?"

"You changed your number!" Pagaakusa niya.

Ako naman ang napasulyap sa kanya. Nalantad tuloy ang basa ko ng pisngi.

"Tsk," sabi niya ng makita ang basa kong pisngi. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

"Hindi ako nagpalit ng number. Na snatch ang bag ko when I went to see you that day!"

Nalaglag ang panga niya. "Were you hurt?"

"Importante pa ba iyun," sabi ko.

Hinampas niya ang kaliwang kamay na nakahawak sa manibela. Dahilan para tumunog ang busina. Napapitlag ako.

"Were you hurt?" ulit niya.

Umiling ako. "Buti nandoon si Mang Ewong. Tinulungan niya ako."

Binitawan niya ang kamay ko to pull me sa kanya. Without his eyes leaving the road he pressed me to his side snatching small kisses on my head.

"I'm sorry, I'm sorry" paulit ulit niya. " Akala ko..."

"Akala mo ano?" I moved out of his embrace. Ang mga braso ko ay isinalikop ko sa aking harapan.

" Intentional ang pagpalit mo ng number!"
Without my free hand for him to hold, he placed his on my lap. I slapped his hand. Expecting that, he presented his right hand para hawakan ko. Nang hindi ko kinuha iyun ibabalik sana niya sa kandungan ko ang kamay niya so I voluntary placed mine with his.

"Ang taba ng utak mo. Naisip mong papalitan ko ang number ko para pasakitan din ang sarili ko?"

He was silent. Ang kanyang concentration nasa daan. Hindi ko na inalis sa lap niya ang aking kamay ng bitawan niya ito para iliko ang sasakyan.

We stayed that way hanggang makating kami sa Villa Gracia.

You and Me (We wanted it all)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon