10 - Meeting

11 0 0
                                    

(Ramon)

Paglabas ko sa opisina nadatnan ko si Stefan na palakad lakad sa hangganan ng hallway.

"What are you doing here?"tanong ko. Kanina pa ba siya doon.

"Obviously waiting for whatever you're doing inside to end", nakangising sabi ni Stefan.

Isang matalim na tingin ang ibinigay ko sa kanya. "I am not like you Stefan."

Humagalpak lang si Stefan. "Yeah if you were like me you will not wait behind closed doors. You will barge in, will you not?"

Ipinapaalala ni Stefan sa akin ang minsang nangyari na nasa isang kwarto si Stefan with a woman doing God knows what. Kinatok ko ng kinatok ang pinto hanggang sa wala ng choice si Stefan kung hindi ang pagbuksan ako.

Tama nga ako dahil may babae siyang kasama sa loob.

"You have less than five minutes to get dress and leave this place," warning ko. " Any moment now you're going to be trapped by the family of this woman."

Nabigla si Stefan at kumilos mabilis pa sa kidlat.

"Who are you with?" tanong ni Stefan na nagpanumbalik sa akin sa kasalukuyan akmang sisilip sa office.

"Give us few minutes. Ipapakilala rin kita sa kanya."

"So you're with Alyanna"

Tumango ako. "Reserve the lounge. We'll meet you there."

Tinapik niya ako sa balikat. "I'm leaving in an hour. Don't keep me waiting." Pilyong dagdag niya bago pumunta sa buffet building.

Tinungo ko ang boutique shop ng farm resort. Hindi ko na hiningi ang tulong ng isang saleslady para mahanap ko ang kailangan ko. I don't want to make a fuzz.

Ilang minuto lang bumalik na ako sa office. Saglit akong natakot ng hindi ko nadatnan sa loob si Alyanna. Nakahinga lang ako ng makita ang bag niya sa drawing table.

Kinatok ko ang pintuan ng bathroom. Isinabit ko ang paper bag sa doorknob.

Bumukas ng konti ang pintuan. Matinding pagpipigil ang ginawa ko para hindi tuluyang buksan ang pintuan and join her there.

"Babalikan kita within fifteen minutes."

Tumango siya at kinuha ang bag na nakasabit sa pintuan.

****************
Pinuntahan ko si Stefan sa lounge. Habang nag-uusap wala sa kanya ang atensyon ko.

I can't believe Alyanna is with me. Akala ko hindi nga siya sasama sa akin.

If truth be told naiintindihan ko ang kanyang galit. Sino ba naman ang hindi? Sa loob ng sampung taon hindi ko man lang siya binalitaan ng kahit ano.

May dahilan ako. Pero aaminin ko naging unfair talaga ako sa kanya. And I intend to make it up to her.

The spark is still there. I remember the way she submitted to me. All fire. Kung iyon ang pagbabasehan ko, there's still chance for us.

It is humbling na kaya ko pa rin siyang maconvince with just a simple touch.

Nakakalungkot lang na iniisip niya na hindi siya gusto ng kanyang pamilya. Kakausapin ko ang nanay tungkol dito.

***********
(Alyanna)
"I can sense the change in him," sabi ni Stefan. "A day with you has done him good."

"What do you mean?"

"He hasn't told you what happened to him?"

Umiling ako. Naalala ko nanaman ang nangyari kanina. My face must have shown what I was thinking kung ang ngiti ni Stefan ang pagbabatayan.

Marami kaming napag-usapan na. Akala ko yun na lahat.

"It's all behind me now. I got through it." Naalala kong binanggit ni Ramon kanina. Ito kaya ang sinasabi ni Stefan?

"I wonder if he will tell you about it. He hasn't told his family about it either."

"If you believe that why not tell me about it."

Tumingin si Stefan sa wrist watch niya. " I have to catch a plane soon. And it is not for me to tell. "

Bakit pa niya binanggit kung hindi rin niya ikukwento? 

"As I've told you, he looked more relax now.  He cares about you a damn lot. Ask him."

Hindi ko na siya pinilit. Ngayon lang kami nagkakilala.

Binigyan na niya ako ng hint. Follow up ko na lang. Kung sasagutin ni Ramon ang tanong then tama si Stefan. Ramon cares about me a damn lot. Kung hindi. Nakakalungkot naman. I'll cross the bridge when I get there.

Sabi nila may dahilan bakit nangyayari ang lahat. Dapat lang maging sensitive sa message na nakatago.

Hindi ko pa alam ang tunay na  dahilan sa sampung taong paghihiwalay namin. Ang mababaw na mensahe ay naging matatag ako. Naging independent.

Bakit nangyari yung intimacy kanina?

Isang mapungay na tingin lang mula sa kanya kuha ko na kung anong naaalala niya. It gave him the upperhand.

Sa nangyari my conviction na pahirapan siya ay unti unting nakakalimutan. Kung saan ako nadapa doon din ang tayo ko parang ganon. Nagawa ko na nga ang maging "wild" may maipagmamalaki pa ba ako?

I softened a bit towards him. Nawala na ang singhal na laging kasama ng mga sagot ko. Kung may kasupladahan mang lumilitaw isang haplos lang ay napapatigil na niya ako. May hold na siya sa akin dahil sa intimacy kanina.

Stefan pat my hand na nakapatong sa table. Malayo na ang linipad ng isip ko. "Ask me again if you must after two weeks. I will be here during the renewal of vows. I am one of the ninong."

Napangiti ako the way he said the last word. Typical foreigner with the slang.

Hindi ko alam kung kanino renewal of vows ang sinasabi niya. Tumango lang ako.

Ilang saglit pa bumalik na si Ramon. Kasama niya ang assistant ni Stefan dala dala ang attache case ng huli.

You and Me (We wanted it all)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon