Tinakpan ko ang tenga ko dahil sa tili ng mga kababaihan at kabaklaan dito s gym. Nake shoot na naman kasi si Xavier.
Foundation week ngayon ng eskwelahan at required pumasok dahil member ako ng school org. At isa sa mga trabaho ko ay bantayan na well filled ang inuman ng players.
"Nakasibangot ka naman Yara" pansin ng bestfriend ko na isa sa mga fangirls ni Xavier na kaya sumali sa school org ay para raw maging close sila ng binata.
"Alam mo naman na inis na inis ako sa mga fan ni Xavier sa OA nilang reaction." sagot ko na walang kaganagana.
"Ouch! Bakit naman sa lahat ng girls ata sa Uni ikaw lang ang hindi apektado ng charms nya? Nagtataka pa rin ako hanggang ngayon. Umamin ka na kasi." Tukso pa nya sabay siko sa tagiliran ko.
"Tigilan mo ko sa clouded mong conclusion. Alam mo naman kung sino gusto ko. I don't want just an overrated happy-go-lucky boy. I want a man."
Paalala ko sa kanya. Tinutukoy ko ang Kuya ni Xavier na si Xymon. Ahead ito ng dalawang taon sa kanila. Second year college na ito ngayon at sila naman ay nasa Senior HS. Tanda pa nya na elem pa lang sila crush na nya ito. Sa tagal noon feeling nga nya hindi na yun basta na lang crush."Hahaha! Napaka manang mo talaga. Loosen up a little bit. Masyado mong sineseryoso mga bagay bagay. You won't even entertain a suitor!" Dumipa sa para lang i exaggerate ang opinyon nya.
Sasagot na sana ko ng magtilian na naman ang kabaklaan at kababaihan.
Tapos na ang laban. Panalo ang team nila Xavier. Nagcecelebrate na sila at halos anim na upuan lang ang layo sa kanila. Nakipag high five pa sila s coach nila. Kanya kanyang hubad na sila ng sando nila na lalong nagpalakas ng hiyawan dahil nakagawian na ng team na maghagis ng uniform nila sa madla pag nananalo.
Mga pasukat talaga. Sabi ko na lang sa sarili ko.
"Girl! Si Xavier na maghahagis! O to the M to the G!" Tili sabay talon na sabi ni Meera as if she's jumping over a rainbow. Napailing na lang ako.
"Xavier! dito mo naman ihagis, pleeeeeaaaaaaasseee!" Natigilan ako sa pagsisinop ng gamit ng team ng lumingon sa direksyon namin ang binata. At dahil nasa likod ko si Meera na aligaga sa pagiging fan napagkamalan ata ni Xavier na ako yung sumigaw.
He winked at me and smirked sabay balumbon ng sando nya. Bumwelo pa sya ng bahagya sabay bato ng sando. Dahil may mga hawak akong gamit, hindi ko nasalo at sa muka ko tumama.
Halos echo ang narinig kong pag Oh ng mga tao. dahil nakatakip pa rin s muka ko ang pawisan na sando ni Xavier hindi ko magawa na makagalaw. Sa hiya, sa inis, sa pandidiri!
"Sorry Bes...hindi ko nasalo." kinikilig na at dahang dahang kinuha ni Meera ang nakakdiring sando sa muka.
I welcomed her apology with a stern look. Alam nyang pikon ako. At sa inis ko, binagsak ko sa sahig ang lahat ng gamit at nag walk-out. At ang magaling na herodes hind man lang nag apologize na parang walang nangyari at nagdirediretso kasama ng team palabas ng gym.

BINABASA MO ANG
Her Hero
Fiksi RemajaShe is the girl who follows everything on her book: date, time, activity, measurements. She followed her schedule religiously. He has a free spirit, defying the odds and exploring the possibilities. Their stars are aligned and they can't do anything...