CHAPTER 01

724 38 18
                                    

NAPATIGIL ako sa pagsabay ng kanta dahil sa isang marahas na kalabit mula sa aking tabi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NAPATIGIL ako sa pagsabay ng kanta dahil sa isang marahas na kalabit mula sa aking tabi. Tinanggal ko ang isang earphone na nakakabit sa aking tainga bago binalingan ang nagmamay-ari ng kamay na 'yon.

"What's wrong with you?" I snapped at him with my forehead crease.

"What's wrong with you?" pagbabalik tanong niya sa'kin na may mapangutyang ngiti sa mga labi na mas lalo lang nakadagdag sa inis ko sa kan'ya. "Oh, gusot na naman 'yang mukha mo." dagdag niya at akmang hahawakan ang aking noo ngunit tinampal ko na ang kan'yang kamay bago pa man iyon makarating sa kan'yang patutunguhan.

"Paanong hindi magugusot? E, inistorbo mo lang naman ako sa ginagawa kong pagkanta. Wala ka nang nagawang tama."

"Baka ikaw 'yong nang-iistorbo, ano? At saka malay ko bang kumakanta ka pala. Akala ko ritual 'yon o di kaya'y panalangin sa Latin."

Pigil ko ang aking paghinga at nakuyom ko ang aking mga kamao dahil sa labis na pangigigil at pagpipigil sa lalaking kaharap ko ngayon. Inilibot ko ang aking paningin sa buong klase at nakita kong lahat sila'y nakatingin na sa'min.

"Hope not by Blackpink is one of their new song in the album Kill This Love. It's a song. Not a ritual nor a Latin prayer. Palibhasa wala kang taste sa music!" pasinghal kong saad sa kan'ya bago ibinalik ang aking earphone sa aking tainga. Panira ng mood.

'Di ko alam kung ba't labis ang inis ko sa kan'ya. Siguro sa kadahilanang palagi niya nalang akong iniinis. Of all the people na pwede kung maging seatmate ba't ito pang bwiset na 'to?

Pag inis ako o di kaya'y galit 'di ko nafifilter ang mga salita na lumalabas sa bibig ko to the point na nakakasakit na pala ako ng iba. And what I've said earlier na wala siyang taste sa music, I didn't mean that. Sa kan'ya nga ako nakakakuha ng magagandang kanta, e. Palaging 'yong cellphone niya kasi ang ikino-connect sa bluetooth speaker sa tuwing 'di pumapasok 'yong guro namin.

Tinignan ko kung anong ginagawa niya sa gilid ng aking mga mata. I saw his lustrous red lips smiling and mouthing "pikon" while staring at his ballpen in his hands. Agad kong binawi ang tingin ko sa kan'ya. Hindi dahil takot akong mahuli niyang pasimpleng sumusulyap sa kan'ya kundi dahil nadi-distract ako. Ba't gano'n? Ba't parang ang yummy ng lips niya?

What am I thinking? Don't tell me pinagnanasahan ko ang labi ng katabi kong makulit na bwiset? Tanong ko sa aking isip-isipan. I cringe at that thought. I tried to shrugged it off but damn it, di siya mawala sa isipan ko. Parang sirang plakang paulit-ulit kung nakikita ang kan'yang mga labi sa aking utak.

"Argh!" pabulong kong angal habang simasabunutan ko ang aking sariling buhok na siyang ikinalingon ng aking katabi.

"Nabaliw na." bagama't mahina lang 'yon ay umabot pa rin 'yon sa aking pandinig.

"Ikaw 'yong baliw!" may diin kong saad sa kan'ya. He just raised one of his thick and on fleek eyebrow on me. Dinaig pa kilay ko sa mokong na 'to.

Eve of Valentines Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon